‘Count Your Lucky Stars’ nina Jerry Yan at Shen Yue magpapakilig na sa madlang pipol

SA lahat ng mga Pinoy fans na nag-aabang kina Jerry Yan at Shen Yue, ilang tulog na lang at mapapanood na ang kanilang seryeng “Count Your Lucky Stars” sa ABS-CBN.

Si Jerry ang gumanap bilang Dao Ming Si sa 23-year phenomenal hit TV series na “Meteor Garden” habang si Shen naman ang tinaguriang bagong Shan Chai ng kanyang henerasyon.

At dahil sa kasikatan ng nasabing programa ay nagkaroon ito ng walong different version mula sa mga bansang Korea, Japan, China at pati na rin sa Taiwan.

Anyway, unang mapapanood ng mga Pinoy ang serye sa iWantTFC streaming service nang libre ngayong Lunes (Peb. 22), samantalang ipalalabas din ito sa Kapamilya Channel para sa cable at satellite TV viewers, sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes, at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube.

Magsisimula ang kuwento kay Calvin Lu (Jerry), isang guiwapo at respetadong fashion designer na kilala dahil sa kanyang angking talento at mamahaling porma sa kabila ng kanyang pagkasuplado.

Si Andi Tong (Shen) naman ay isa ring fashion designer ngunit matagal nang hindi umaasenso sa buhay dahil sa sunod-sunod na kamalasan na dumarating sa kanya.

Nakatakda namang magkapalit ang kanilang kapalaran at mag-iiba ang mundo nilang dalawa dahil sa isang hindi inaasahang aksidente na pagtatagpuin sila.

Habang puro kamalasan ang pagdadaanan ni Calvin, uulanin naman ng swerte si Andi at biglang aabante ang career.

Sa pagkakabaliktad ng kanilang kalagayan, posible kayang mauwi sa pag-iibigan ito.

Libreng mapapanood sa Pilipinas ang Filipino-dubbed na Count Your Lucky Stars sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com, na maglalabas ng dalawang bagong episodes kada araw tuwing 8 p.m. simula Lunes (Peb. 22) hanggang Marso 10.

Maaari rin itong panoorin ng iWantTFC users sa mas malaking screen dahil available na rin ito sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas.

Read more...