Ogie dumepensa sa panglalait kay Angel: Hindi na yan nasasaktan sa panglilibak sa kanya

“HALIMBAWANG ako ang manager ni Angel Locsin at ganyan siya kalaki sa edad niya, okay na ‘yan basta happy siya.”

Yan ang bahagi ng naging sagot ng ng talent manager-host-vlogger na si Ogie Diaz sa mga bashers ni Angel matapos kumalat ang mga larawan niya sa social media na kuha sa taping ng programa niyang “Iba Yan.”

“Alam mo sa panahon ngayon na nauuso ang anxiety attack, panic attack, depression, hindi para guluhin ko pa ‘yung utak ni Angel.

“Hindi ‘yung, ‘oy Angel, ako manager mo, makinig ka sa akin hindi tayo kikita hangga’t hindi ka pumapayat, hindi ka naglu-loose ng weight’. E, paano kung sagutin ako ni Angel ng, ‘nakapag-invest na po ako, so ano pa ang problema ko, happy po ako this way.’

“O di ba, at the end of the day, ikaw pa rin ang may concern sa sarili mo. Siguro kaya naikukumpara ay naabutan kasi si Angel noon na payat siya at naabutan siya ng mga tao noon na lumaki sya ngayon,” ang sabi pa ni Ogie Diaz sa kanyang Ogie Diaz Update YouTube channel kasama si Mama Loi.

Sinabihan din niya ang mga pumuna sa aktres na tigilan na ang pamba-body shame dahil wala namang ginagawa sa kanilang masama ang fiancée ni Neil Arce.

Nabanggit pang hindi na nasasaktan si Angel sa mga batikos at panglalait sa kanya.

“Hindi na nasasaktan sa panglilibak si Angel Locsin sa tagal niya rito sa industriya hindi na para iyakan pa ‘yan ni Angel. Pinanday na ‘yan ng panahon sa mga intriga sa kanya lalo na ‘yang katawan niya.

“Hindi alam ng iba ‘yung hirap ni Angel kasi may lower back problem siya, di ban a pinunta pa niya ‘yan sa Singapore (for surgery) pero parang bale wala rin.

“Kaya nga di ba, naipasa niya ‘yung bato (ni Darna) at ‘yung mga komiks na ibinigay sa kanya ni Mars Ravelo kay Liza (Soberano) tapos ipinasa naman ni Liza kay Jane (de Leon, ang bagong Darna).

“Si Angel sa sobrang sanay na siya sa showbiz hindi na ‘yan nagre-react at the end of the day happiness and Angel chose to be happy. Kung ganu’n ang build niya, e, baka happy si Angel, sino naman tayo para kumontra.

“Ngayon kung naiirita kayo sa nakikita ninyong picture ni Angel na malaki, e, di i-edit n’yo na lang ‘yung picture!” mahabang pahayag ni Ogie.

Anyway, nabanggit naman ni Neil sa isang panayam na tuloy na tuloy na ang kasal nila ni Angel ngayong 2021 at hindi pa lang sinasabi ang eksaktong petsa at venue.

 

Read more...