Co-star nina Janine at JC sa ‘Dito at Doon’ ikinumpara kay Rufa Mae; tumodo rin kaya sa sexy-comedy?

HINDI pabor sina Janine Gutierrez at JC Santos sa online dating at long distance relationship (LSD), base sa naging pahayag nila sa “Dito at Doon” mediacon kamakailan.

Mas gusto pa rin nila ang pisikal na pagkikita at personal na pakikipag-usap sa kanilang mga karelasyon.

Ang theater actress na si Yesh Burce na kasali rin sa pelikulang “Dito at Doon” ay hindi pa naka-experience ng online dating pero nangyari na raw ito sa mga kaibigan niya kaya huhugot siya sa mga ito kung okay para sa kanya ang ganitong set-up ng pakikipagrelasyon.

“’Yung iba siguro magwo-work at depende kung paano i-handle. Puwedeng mag-work sa kanila kasi gusto nila both or hindi mag-work kasi mas may gusto ‘yung isa.

“Pero kung ako personally mangyayari (LDR), I think hindi magwo-work kasi gusto ko nakikita siya (boyfriend). Saka di ba pag online hindi mo nakikita talaga ‘yung totoong emosyon niya, ‘yung sincerity. Kapag magkausap kayo parang hindi moa lam kung totoo ba,” paliwanag ng dalaga.

Samantala, nagpapasalamat si Yesh kay Direk JP Habac dahil isinama siya sa “Dito at Doon” na noon pa niya kakilala dahil ang nasabing direktor ang nagpakilala sa kanya sa ginawa nilang Boy’s Love o BL series na pinagbidahan nina Ian at Paolo Pangilinan mula sa Globe Studios na umere noong Setyembre hanggang Nobyembre 2020.

Aniya, “So doon (series) nagkatrabaho kami ni direk JP at nandito nap o ako ngayon sa Dito at Doon and it’s my first film. More on theater po kasi ako talaga.”

Sinang-ayunan naman ito ni direk JP na sinabi niya noon kay Yesh, “Hindi ito (BL series) ang last nating mag-work together kaya sinama ko na siya Dito at Doon.”

Say naman ni Yesh, “Kaya sobrang thankful po ako kay direk JP at sa buong Team (TBA Studios).”
At dahil ito na ang magiging normal sa shooting ay handang magpa-vaccine shot si Yesh para sa kanyang kaligtasan at peace of mind na rin, “Para masaya na tayong lahat ulit.”

Ano nga ba ang natutunan ni Yesh sa shooting sa panahon ng pandemya? “Since first time kong magkaroon ng pelikula ang dami kong nakuha kina Janine, Victor at JC like usapan lang na ganito tayo sa shoot, ‘yung pakikisama, totoo talaga ‘yun.

“Sobrang saya ng (TBA) Team kasi pinadali nila ‘yung first time ko sa pelikula at sobrang gaan nilang kasama.

“Kay Janine, ‘yung pagiging propesyonal, yung pakikisama. Walang halong bola, sobrang bait po nilang lahat talaga hindi ko naramdaman na ‘ay baguhan.’ Hindi ko naramdaman ‘yung ganu’n feeling,” naluluhang kuwento ni Yesh sa karanasan niya sa co-actors, director at producer.

Napansing may pagkakomedyana rin si Yesh at naikumpara pa kay Rufa Mae Quinto kaya natanong kung ito ba ang gustong maging path ng career niya.

“Actually po sa pelikula at serye doon lang lumalabas ‘yung pagiging komedyante ko, ‘yung work ko po talaga sa theater, dramatic actress po talaga ako.

“And yes po baka puwede ring i-push ang pagiging comedienne actress ko para doon ko rin po malaman kung gaano tayo ka-felixble. Pero pangarap ko talaga ay action. Gusto ko talaga mag-try mag-action kasi doon natin malalaman ‘yung flexibility natin,” masayang kuwento ni Yesh.

Bukas ang aktres sa drama, comedy, action role pero hindi niya kaya ang magpa-sexy o topless kasi iba ang pelikula sa theater.

“Sa theater po kasi hindi nakikita ng audience kasi may bubble wrap na nakaharang. Sa pelikula po hindi ko kaya kasi parang for everybody na (makikita),” katwiran ni Yesh.

Anyway, mapapanood na ang “Dito at Doon” sa Marso 17 sa mga piling sinehan sa GCQ areas mula sa TBA Studios na idinirek ni JP Habac at kasama rin si Victor Anastacio at Lotlot de Leon.

Read more...