Gary nag-alay ng taimtim na dasal: My sugar level Lord is dangerously high…

NAG-ALALA ang mga tagasuporta at social media followers ni Gary Valenciano matapos niyang ibalita sa publiko ang tungkol sa kanyang health condition.

Ayon sa OPM icon, umabot ang kanyang sugar sa nakaaalarmang “dangerously high” level kaya agad siyang nag-alay ng taimtim na dasal sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng Twitter, ibinahagi ni Mr. Pure Energy ang kanyang pinagdaraanan, “Lord… humbly I come before you to ask for your help. My sugar level Lord is dangerously high.

“Although I’ve taken the right steps to bring it back to normal… it’s not easy having it this high. Thank You Lord Jesus for I know You are with me in this,” mensahe pa ni Gary.

Bumuhos naman ang komento sa tweet ng veteran actor-singer-TV host mula sa mga netizens na nagsabing ipagdarasal nila na sana’y maging normal na ang sugar level ni Gary at tuluyan nang bumuti ang kanyang kalusugan.

Ngayong araw, muling nag-post ang singer sa socmed at pinasalamatan ang lahat ng nagpahatid ng mensahe ng pagmamahal at pagsuporta sa kanya.

“Woke up early today feeling much much better!!! Thanks to all who showed concern. Sugar was at 104 a while ago and that’s perfect.

“Fellow diabetics, type 1 or 2, please never stop taking care of yourselves k? God bless you all. Thanks again everyone,” paliwanag ni Gary V.

Teenager pa lang ang award-winning OPM icon ay nakikipaglaban na siya sa diabetes. Saksi ang butihin niyang asawang si Angeli Pangilinan pati na ang kanyang mga anak kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan niya dahil sa nasabing sakit.

Kung matatandaan, noong May, 2018, sumailalim din si Gary sa emergency open heart surgery matapos madiskubre ng kanyang mga doktor na ang kaliwa niyang anterior descending artery ay naba-block dulot ng diabetes.

Bukod dito, nagtagumpay din si Gary sa paglaban sa kidney cancer almost three years ago. Aniya sa isa niyang post noon, “Battling with Type-1 diabetes, then a bypass, and kidney cancer… I’m still here and He has been as faithful as ever.

“Those prayers have once again been answered because today after seeing the results of my annual checkup, I am free of cancer. God is good,” pagpapasalamat pa ng premyadong OPM artist.

Read more...