Juancho nahirapang hanapin ang prutas na pinaglilihian ni Joyce; serye nina Lovi at Benjamin trending | Bandera

Juancho nahirapang hanapin ang prutas na pinaglilihian ni Joyce; serye nina Lovi at Benjamin trending

Ervin Santiago |February 17,2021
facebook
share this

Juancho nahirapang hanapin ang prutas na pinaglilihian ni Joyce; serye nina Lovi at Benjamin trending

Ervin Santiago - February 17, 2021 - 09:59 AM
MAY isang pinaglilihian daw ang Kapuso TV host na si Joyce Pring na talagang nahirapang hanapin ng kanyang asawang si Juancho Trivino.

Ayon sa actor-TV host at future daddy, maraming pagkaing hinahanap ngayon si Joyce pero may isang prutas daw itong ni-request na kinarir niyang bilhin.

In fairness, kitang-kita sa itsura ng Kapuso actor ang sobrang excitement at kaligayahan lalo na kapag pinag-uusapan ang pagdadalang-tao ng kanyang misis.

Sa panayam ng GMA, naikuwento ni Juancho na ilan sa mga pinaglilihian ni Joyce ay ang alimasag at shake. Idagdag pa nga riyan ang indian mango na talagang nahihirapan daw siyang hanapin dahil hindi season ngayon ng nasabing prutas.

Pero siyempre, kailangang karirin niya ang paghahanap ng indian mango para matikman ito ni Joyce.

Samantala, siniguro rin ng Kapuso couple na excited at handang-handa na sila sa paglabas ng panganay nilang anak.

“Inuuna namin siyempre ‘yung kami as a person mismo, maging prepared kami to have that kind of responsibility.

“‘Yung spiritual walk namin also, siyempre nandiyan ‘yung books all about parenting. May mga gamit na kami at home na nasimulan nang bilhin,” sey ni Juancho sa nasabing panayam.

Last Feb. 14, Valentine’s Day, ibinahagi rin ni Juancho ang madamdaming reaksyon nilang mag-asawa nang unang marinig ang heartbeat ng kanilang baby.

Makikita sa video na umiiyak si Joyce habang tinitingnan ang hawak na sonogram, “It’s a baby’s heart, it’s fluttering. I’m so happy.”

“Happy Valentines day to my one true love!????” ang mensahe naman ni Juancho para sa asawa.

“This is a video of our second check up where we saw (heard) our baby’s heartbeat for the first time. To our last valentines day na tayong dalawa lang, mahal na mahal kita @joycepring!” ang sabi pa ni Juancho

                            * * *

Nagsimula na nitong Lunes, Feb. 15, ang Kapuso romantic-comedy series na “Owe My Love” na pinagbibidahan nina Lovi Poe as Sensen Guipit at Benjamin Alves bilang Doc Migs Alcancia.

At talaga namang winner ang #SenMig sa viewers dahil nakakuha ito ng overnight NUTAM People rating na 11.5 percent, ayon sa data ng Nielsen Philippines.

Certified trending din ito last Monday matapos na makasama sa list of top trending topics nationwide sa Twitter.

Agad namang nag-post about this si Lovi, “Anong sabi ng Yellow Ranger costume ni Sensen? Trending tayo kagabi! Thank you for watching our Pilot last night! Mamaya ulit! Ravaaaan!”

Dagdag pa ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, “Thank you for watching! Our pilot episode is trending ’cause of you guys! Umpisa pa lang ‘yan! We’re just getting warmed up.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “Owe My Love” sa GMA Telebabad, 9:35 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending