PARA sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, masaya, exciting, rewarding at punumpuno ng challenge ang buhay may-asawa.
Mag-iisang taon nang kasal sina Sarah at Matteo Guidicelli at mukhang sabay namang natututo ang celebrity couple sa kanilang pagsasama base na rin sa mga nakaraan nilang mga panayam.
Pero para nga kay Sarah G, bukod sa pagiging isang malaking blessing ang pagdating ni Matteo sa buhay niya, may mga pagsubok din silang pinagdaraanan na kailangan nilang harapin at solusyunan.
“The marriage itself is a blessing, an opportunity to spend the rest of your life with your loved one. Yung napili mo talaga na makasama sa buhay, partner in life,” ang pahayag ng singer-actress sa panayam ng “Anong Ganap?” na napapanood sa sa PBO ng Viva.
Aniya pa, “Challenging kasi sa situation ko parang ito na ‘yung big leap ko papunta ng adulting.
“Sinasabi ko nga lagi, na-expedite. Masyado na ngang long-overdue but I guess ito talaga ang plano para sa akin,” sabi pa ni Sarah.
Ngunit sa kabila nga ng mga challenge na dumarating sa buhay nila ni Matteo, super thankful at grateful pa rin siya sa pagkakaroon ng asawang tulad ng aktor.
Ipinagdiinan pa ng Box-Office Queen na itinuturing niyang “happiest moment of my life” ang pagpapakasal kay Matteo.
“Rewarding siya dahil ‘yun nga kasama mo ang mahal mo sa buhay, tapos you have the freedom.
“You get to choose and decide for yourself, not just for yourself but for the both of you, you become one as one na kayo,” lahad pa ng award-winning singer.
Ikinasal sina Sarah at Matteo noong Feb. 20, 2020 na naging kontrobersyal pa dahil sa pagsugod doon ng nanay ng aktres na si Mommy Divine.
Hindi raw kasi ipinaalam ni Sarah sa kanyang ina ang gaganaping wedding dahil nga hindi umano ito boto kay Matteo. Ngunit sa kabila nito, nanindigan ang celebrity couple at itinuloy pa rin ang pagpapakasal.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang AshMatt tungkol sa magulang ni Sarah. Wala pa silang sinasabi kung tanggap na ba nina Mommy Divine ang kanilang pagsasama.