MAAYOS at walang masyadong naging problema si Rachelle Ann Go sa kanyang pagbubuntis na ilang linggo na lang ay manganganak na sa panganay nila ni Martin Spies.
Nagbigay ng update ang singer-actress sa kanyang pregnancy journey sa pamamagitan ng bago niyang vlog sa YouTube at dito nga niya sinabi na napaka-smooth ng pagdadalang-tao niya.
“I’m very grateful dahil during my first trimester wala akong paglilihi or symptoms. Hindi ako nahihilo, hindi rin naman ako masyadong sensitive sa sense of smell.
“Di ba iyong iba, maraming sensitive? Ako, parang normal lang talaga. Parang I ate everything, hindi ako masyado mapili. Iyon lang, matakaw ako. Lahat masarap sa panlasa ko. That’s the best part. It’s been great,” simulang kuwento ni Rachelle Ann.
Pagbabalita pa niya sa batang nasa kanyang sinapupunan, “Ang kulit! Sipa siya nang sipa every single night. As in parang may boxing match sa loob.
“I love it. I love feeling the kicks. Sometimes it’s not just kicks, it’s like waves! I just can’t wait to meet our little angel,” sabi pa ng international theater actress.
Aniya pa, every three weeks ay may midwife na nagtse-check sa kanyang kundisyon, “So far, so good. Thank God, okay naman. Normal naman lahat. Hopefully, tuloy-tuloy na iyan.”
Sey pa niya, “I’m praying for a natural birth. I’m praying na, because my pregnancy [has] been so, so smooth and easy these past few months, sana talaga, Lord!
“Sana, guys, pray for me na swabe. I know na maraming nagsasabi na ang first pregnancy ay mahirap at mahaba ang labor, but I believe na very smooth.
“Gusto ko iyong isa or dalawang push nandiyan na si baby. Baby is out!” lahad pa ni Rachelle Ann.
Aminado rin siya na matinding nerbiyos na ang nararamdaman niya habang papalapit ang kanyang panganganak.
“But I don’t want to focus on one thing kasi, siyempre, kapag dumating ka na doon sa moment na iyon tapos you don’t get what you want, sometimes I feel like it’s stressful.
“So now, I’m just like whatever is going to happen, let it be. I know my body will cooperate and women, us women, we are created to do this and give birth.
“I think we are ready. I think puso na lang namin ang kailangan i-ready. We have to prepare ourselves mentally, emotionally, spiritually, physically.
“And we’re trying to research as much as we can. Read things, watch videos about pregnancy and stuff. Please pray for us,” pahayag pa ng future mommy.