ALIW na aliw ang mga fans at social media followers ni Megastar Sharon Cuneta sa panibagong paandar nila ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan.
Sumabak sa isang challenge ang celebrity couple na inihanda ng kanilang mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel.
Dito kailangan nilang patunayan kung gaano na nila talaga kakilala ang isa’t isa.
Ang nasabing game ay tinawag nilang “ShaKo,” (pinagsamang Sharon at Kiko) na kahalintulad din ng “Who’s Who” challenge kung saan ang isasagot lang ng mag-asawa sa bawat tanong ay Sha (You) o Ko (Me).
Ipinost ni Shawie ang video clip ng nasabing game sa kanyang Instagram account na may mensaheng, “So Kakie, Miel, and Miguel came up with this idea.
“We always enjoy our regular dinners because we talk and laugh a lot between bites and bond as a family. But tonight’s extra special! This is just before dinner tonight,” ang pagbabahagi pa ni Mega tungkol sa kanilang patok na patok na video.
Isa sa nga itinanong sa kina Sharon at Kiko ay kung sino sa kanila ang mas matatawag na “old soul.”
“Of course, I’m modern. I’m a bit conservative, but I’m not a prude. But I feel like since I was little, I was born an old soul, an old person. I’m very responsible. Like you (Kakie), very manang when I was a little girl,” agad na sagot ni Sharon.
Sumang-ayon naman sa kanya si mister, “Traditional, conservative. Ako kasi, radical.”
Pero hirit pa ng movie queen, kino-consider din niyang Gen Z ang sarili, “Eh ako may gift ako ng mga anak na bata. So Gen Z ako. Mas Gen Z ako kaysa kay Lolo Kiko.”
Sa tanong naman kung sino sa kanila ang may mas bonggang taste sa music, sey ni Shawie siya raw dahil unang-una, isa siyang singer.
“Your father likes the songs of old or dead people,” sey ni Mega sa anak nilang si Frankie.
Chika naman ng dalaga kay Mega, “But I think the argument can be made that Daddy has the best taste in music because his wife is you.”
Sey naman ng senador, “She’s dedicated to her craft.”
“And I had a musical show wherein I had to study a million songs. So I know all genres and I can do all,” dagdag ni Sharon.
Sa isang bahagi ng video, tinanong din sina Sharon at Kiko ng bunso nilang anak na si Miguel kung sino ang unang nakapunta sa bahay ng isa’t isa bago sila ikinasal.
Sagot ng Megastar, si Sen. Kiko raw, “He sent a lot of food even to tatay and mita, he sent live hito, live dalag.”
“He knew what my dad wants. And he sent me, while other were sending me bulaklak, he sent me chicharon bulaklak,” lahad pa ng veteran singer-actress.
May pa-trivia rin si Frankie sa nasabing video kung saan pinainom daw niya ng juice ang kanyang nanay na may halong gin. Alam naman ng lahat na hindi umiinom ng kahit anong uri ng alak ang aktres.
“Hinaluan ko po ng gin and Tang. ‘Yung gin as in kapiranggot lang. Tapos ‘yung Tang buong baso. Dalawang sips lang po nahihilo na si mommy. She was already shaking. I was like ‘Are you good?’ I think she’s allergic (sa alak),” kuwento pa ni Frankie.
Kamakailan lang nag-celebrate sina Sharon at Kiko celebrated ng kanilang 25th wedding anniversary.