SOBRANG proud si Lotlot de Leon sa mga achievement ng panganay niyang si Janine Gutierrez sa mundo ng showbiz.
Nakatanggap na kasi ng mga best actress awards ang dalaga para sa pelikulang “Babae at Baril” at ngayon ay nasa Kapamilya network na ito at kaliwa’t kanan ang proyekto sa iba’t ibang movie outfit.
“Sabi ko nga sa kanya, everything that she’s getting now was because of her hardwork, so, I’m very proud of her talaga,” bungad ni Lotlot sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa “I Feel You” kamakailan.
Sampung beses ang naramdamang kaligayahan ng mama ni Janine sa lahat ng natatanggap ng anak niya ngayon.
“Because that’s all we ever wanted for our children to be happy, to live a happy life, to be healthy, achieve their dreams so talagang nakikita ko siya na masaya siya, ang dami na rin niyang natutunan sa ilang taon nandito siya sa industriya and she’s learned from all the mistakes as well, so nakakatuwa,” pahayag ng proud mom.
Hindi in-encourage ni Lotlot pati ng ex-husband niyang si Ramon Christopher na pasukin ng mga anak nila ang showbiz industry, pero nu’ng bata pa raw si Janine ay nakikitaan na ito ng nanay niya na parang papasok nga sa industriya.
“Alam mo Toni kung makikita mo ang mga picture ni Janine noong bata pa ‘yan, model na ‘yan. Ang dami niyang mga posing na nakaganyan (muwestra), o nasa me hagdan lang o tabi ng Sto. Niño kung anuman, alam mo ‘yun? Kaya sabi ko, ‘ay puwede.’
“But you know, we never forced her to join the industry. As parents kami ni Mon, we never forced or demand anything from all of our children.
“So, sa amin makapagtapos lang sila ng pag-aaral and makakita sila ng trabaho na gusto talaga nila. That’s more than enough for us kaya when Janine said, ‘mom parang I want to try” sabi ko agad, ‘are you sure, are you really, really sure?
“Iba kasi ‘yung klase ng professionalism na hinahanap mula sa atin bilang aktor, aktres, singer, performer, artist as a whole,” pahayag ng aktres.
“Nu’ng una si Janine naninibago siya kasi hindi naman sanay ‘yan sa showbiz, eh. We’ve always shield all our children from all the intrigues. The hardwork that we do, hindi nila alam kasi hindi naman nila na-experience, alam lang nila nagtatrabaho si mama at papa nila.
“Pero nu’ng nag-aartista na siya ayan na, napupuyat na siya ha, haha. Alas singko na siya umuuwi ng umaga. Meron ‘yan (tatawag), ‘mom I’m still here.’ Sabi ko, e, gusto mo ‘yan di ba?” natatawang kuwento ni Lotlot.
At bilang panganay sa magkakapatid na apat ay responsableng ate si Janine.
“Janine was very responsible. Responsableng ate ‘yan. When I separated with their father, she’s still very young and my youngest is only 2 years old.
“We did not live in the same house and but she was like a mom also to her siblings, pero lagi kong ipinapaalala sa kanya kasi she’s also very strict when it comes to the studies of her mga kapatid, ‘o nag-aral ka na ba, o homework mo, you have to wake up early, you have school tomorrow, ganu’n siya!
“So ako naman nu’ng gumaganu’n na siya ako na ‘yung tahimik kasi hindi puwedeng kaming dalawa sa mga kapatid.
“Without me being there all the time ‘coz I also have work, she would make sure that maayos ang mga kapatid niya and I’m very proud of her.
“Ngayon siya ang nagpapagawa, silang magkakapatid nagpapa-renovate ng bahay sa Fairview, ang nakatira ro’n is her dad at mga kapatid niya. So siya ‘yun, that’s all her.
“Silang magkakapatid ang nagpaplano na kung ano ang kulay ng bubong, anong kulay ng pader. So doon sa mga gustong mag-donate ng appliances, we welcome that. Ha-hahaha!” mahabang kuwento ni Lotlot tungkol sa panganay niya.
At ngayong nasa ABS-CBN na si Janine at Diego Gutierrez bilang singer naman ay masaya si Lotlot dahil kakapirma rin niya ng kontrata kaya tatlo na sila.
“Parang it’s meant to be ‘no?” masayang sabi ng aktres na may umeereng programa ngayon sa ABS-CBN, ang “Walang Hanggang Paalam” mula sa Dreamscape Entertainment.