Style ng pagdidisiplina ni Luigi sa 4 na anak namana kay Janice

HUHULAAN namin, ang bonding ng mag-inang Janice de Belen at Luigi Muhlach ay ang pagluluto dahil talagang nasa sistema na nila ito.

Masarap daw magluto si Janice sabi ng mga nakatikim na sa mga putahe niya, at obviously namana ito ng panganay niyang anak dahil kumuha ito ng culinary.

Pero bata pa lang si Luigi ay mahilig na talaga siyang kumain at natutong magluto ng uulamin niya kung anong makita sa fridge.

Anyway, dumalaw si Janice sa bahay ng anak at pamilya nito sa Tagaytay City para makasama ang apat na apo.

At dito ay napagkasunduan ng mag-ina na gawan nila ng ibang luto ang natirang lechon na in-upload ng aktres sa kanyang YouTube channel.

“Gagawin ko ang favorite kong ginagawa at favorite rin ng mga anak ko, pinatisang lechon, ikaw ‘Gi (tanong kay Luigi),” say ni Janice. Sagot naman ni Luigi, “Lechon sisig.”

Habang inaayos ng dalawa ang mga sangkap ay natanong ni Janice ang anak, “How does it feel that you are now here in Tagaytay (City), hindi mo nami-miss ang Manila?”

“Ha-hahaha! Wala naman akong masyadong (kilala) sa Manila kundi kayo (magulang). Puwede naman kayong pumunta rito. Saka it’s better for the kids, open air, malayo sa maraming tao saka mas nakaka-contrate kami sa isa’t isa dito,” pahayag ni Luigi.

Balik-tanong ng aktres, “Is that the reason why you decided to move?”

“Yeah. Saka dapat matagal na kaming lumipat dito, pero ‘yung time na ‘yun parang ayaw namin kasi nga parang weird for us to transfer sa province. But now that we have four kids saka nakakalaro ko ‘yung mga bata sa labas,” katwiran ng anak niya.

 “Inspite of what’s happening (COVID-19 pandemic) around di ba?” sambit ng ina ni Luigi.

Malawak ang lupang kinatitirikan ng magandang bungalow na bahay nina Luigi at asawang si Patty kasama ang apat nilang anak.  Pinatayuan nila ito ng basketball court kung saan naglalaro ang mag-aama, may swimming pool at may farm pa at siguradong masarap ang simoy ng hangin dahil may mga puno sa paligid.

Tanong pa Janice sa anak, “Paano ‘yan? You have to admit that most of our work is in Manila. So, paano ‘yan, paano ang situation?”

“Well ngayon kaya namin binuo ‘tong kitchen na ‘to para lumaki kasi dito ko ginagawa ‘yung cooking videos ko, dito namin sinu-shoot,” say ni Luigi.

 “When things go back to normal, paano ‘yan ano ng gagawin mo?”

Sabi ng anak, “Wala, ito na ‘yung normal ko.  Saka di ba magtatayo kami ng bread (and breakfast) and dining restaurant dito sa Tagaytay.”

“Ano ang pinaka-challenge mo when COVID-19 started?” tanong ulit ni Janice.

“Well of course, nu’ng first ano walang work, sarado restaurant.  ‘Yun nagbenta kami ni Patty ng online food tapos ‘yun, lumipat na kami dito, biglaan lang nga dapat antayin pa naming matapos ‘tong house,” kuwento nito.

At pagdating sa pagdidisiplina sa mga anak ay nakikita raw ni Luigi ang sarili sa nanay niya.

“Parang feeling ko ako ikaw kasi hindi naman ako mahilig magligpit pero pag may nakita akong kalat, gusto ko laging malinis. So kapag may nakita akong maliliit na kalat na hindi ko kayang i-let go kaya lagi ko silang sinisita,” nakangiting kuwento nito sa nanay niya.

“So, naalala mo ako?” tumawang tanong ni Janice na sinang-ayunan ng anak.

Bilang may apat na anak na ang panganay ay 10 years old na at ang bunso ay 2 ay natutunan ni Luigi ang, “Patience. Patience ang puhunan ko.” Natawa naman ang nanay niya.

Samantala, nang tapos nang lutuin ng mag-ina ang kanilang pinatisang lechon at lechon sisig ay tinikman ni Luigi ang luto ng ina, “Sarap sa kanin nito.”

At ang tanong ni Janice sa anak, “So what will be doing Luigi 3 years from now?”

“Three years from now?  Well nag-o-operate na siguro ‘yung restaurant diyan and probably payat na siguro ako no’n. Libre namang mangarap, eh. Pero ang hirap talagang magpapayat kasi ang sarap magluto eh,” napangiting sagot ng anak ni Janice.

Sang-ayon naman ang aktres, “Masarap kumain, totoo naman ‘yun, hindi naman kita masisi ro’n. Anyway, nilayasan na ako ng anak ko, kasi nagpapasangag na siya ng kanin. That’s all so alam n’yo na kung ano ang gagawin sa left-over lechon.”

Kung ganyan nga naman na pareho silang masarap magluto, e, huwag ng pagtakhan kung bakit pareho silang chubby.

Read more...