Sophie Albert, Vin Abrenica magiging mommy at daddy na: See you soon our little one!

PAGKATAPOS ibalita ang kanilang engagement sa publiko, isa pang bonggang announcement ang ibinandera nina Sophie Albert at Vin Abrenica ngayong Valentine’s Day.

Yes, buntis na nga ang Kapuso actress sa panganay nila ng hunk actor at ibinahagi nila ang good news na ito sa kanilang mga fans at social media followers ngayong Araw ng mga Puso.

Sa pamamagitan ng isang maikling video na naka-post sa Instagram, ipinahayag ni Sophie na magkakaroon na rin sila ni Vin ng sariling “angel.”

Mapapanood sa video ang ilang eksena sa naging proposal ni Vin kay Sophie pati na ang magandang lugar kung saan sila nag-photo shoot at kitang-kita na nga rito ang baby bump ng Kapuso star.

“[Eight] years together and bound forever by our greatest love thus far. See you soon our little one! Happy Valentine’s Day everyone,” ang inilagay na caption ng aktres sa kanyang IG video.

Bumuhos muli ang pagbati sa future mommy and daddy mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz. Anila, sunud-sunod ang pasabog na announcement ng celebrity couple kaya siguradong masayang-masaya ang pasok ng 2021 para sa mga ito.

Naunang inihayag ng dalawa ang paglipat nila together sa bago nilang bahay na sinundan ng marriage proposal at ngayon ay ang pagkakaroon nila ng baby.

“You’ll never know when you are truly ready until you realize who you’re living and breathing for. It’s you @itssophiealbert,” ang caption ni Vin sa litrato nila ni Sophie habang naghahalikan sa ilalim ng dagat.

Aniya pa, “We’ve grown up together and I look forward to growing old together. Good luck @itssophiealbert, you are stuck with me for life. We’re engaged!”

Ito naman ang mensahe ni Sophie kay Vin, “Before 2020 came to an end, the love of my life proposed to me.

“Despite all the challenges we had to face, we were able to close the year filled with so much hope and love as amazing surprises happened in our lives. We’ve been savoring our precious moments and we are ready to share our joy and excitement! We are engaged!

“Thank you @vinabrenica for everything. Thank you for being you and for making everything special. I am blessed to have you as my best friend for life,” dagdag pang hugot ng future mommy.

Nagkakilala ang dalawa sa dating reality talent search ng TV5 na “Artista Academy” noong in 2012 at nito lang nagdaang January, ipinagdiwang nila ang kanilang 8th anniversary as a couple.

Read more...