SA wakas natupad na rin ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon ang isa sa mga matagal na niyang pangarap — ang maging isang direktor.
Ngayong Araw ng mga Puso, Feb. 14, huhusagahan ang kanyang first directorial project na “B&B: The Story of Brody & Brandy” mula sa WeTV Originals at Sanggre Productions.
Si Sunshine ang nagsilbing second unit director para sa nasabing digital series na pinagbibidahan ng kaibigan niyang si Iza Calzado kasama si Ian Veneracion.
Sa panayam ng GMA kay Sunshine, wala talaga ito sa plano ng Sanggre Productions na pag-aari nila nina Iza, Karylle at Diana Zubiri. Nagsimula lang mabanggit ang pangalan niya sa pre-production ng proyekto.
“To make things efficient, and makabawas din ng mga sequences, it started with, ‘oh, ikaw na yung mag-second unit’ and pangarap ko ‘yon, eh. So sabi ko ‘okay sige,’” pag-amin ni Sunshine.
Aniya pa, “Nag-open lang yung door, tapos pumasok lang din ako sa pinto.”
Bilang direktor, hindi naman daw siya masyadong istrikto sa mga artista niya, ang gusto lang niya ay maging totoo at natural lang ang mga ito sa mga karakter na ginagampanan nila.
“Yung akin lang is, ayoko lang talaga na nakakakita ng artista na umaarte pa. The more organic and the more natural it is, doon tayo.
“Kung saan niyo kayang dalhin yung eksena, go tayo diyan. ‘Pag meron lang ako nakita na parang kailangan pa ng konting dagdag o baguhin, then I will let you know,” dagdag pang pahayag ng aktres.
Samantala, pinuri naman si Shine ng overall director ng serye na si Mark Reyes, “Sunshine is a director by experience. I mean she has been acting for years. She has worked with the likes of Joel Lamangan.
“Even during the time of ‘Mystified,’ you could already see that she had it in her. She would take control of the scenes that she’s involved in and she would actually make suggestions,” sabi naman sa isang panayam ni Georgette Tengco, Country Manager ng WeTV Philippines.
Binati rin ni Iza ang kanyang kaibigan sa una nitong pagdidirek at aniya, “feeling honored, happy and proud to be her first actress.
“She came prepared. Even if she never went to a directing school or whatever, she’s been researching and bantay sarado talaga ang emotional art ng bawat character,” sabi pa ni Iza.
Dugtong pa niya, “I see a really bright sunshine for Sunshine as a director.”
Para naman kay Ian, “Hindi mahahalata na first time. Kung ‘di nila sinabi sa akin, ‘di ko malalaman na first time niya mag-direct. I hope in the future makatrabaho ko ulit siya as my director.”