Jed napraning nang ma-expose si Regine sa may COVID-19; handang-handa nang magpabakuna | Bandera

Jed napraning nang ma-expose si Regine sa may COVID-19; handang-handa nang magpabakuna

Ervin Santiago - February 12, 2021 - 09:23 AM

NAPRANING din si Jed Madela nang mabalitaan na na-expose si Regine Velasquez sa isang taong nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang rason kung bakit biglang na-postpone ang Valentine concert ni Regine Velasquez na “Freedom” dahil kinailangan niyang mag-quarantine ng ilang araw para masiguro na hindi siya nahawa ng killer virus.

Sabi Jed sa nakaraang virtual presscon para sa Valentine concert na “Hearts On Fire: Juris and Jed”, natural lang na mapraning ang isang tao sa mga ganitong sitwasyon dahil nga patuloy pa rin ang banta ng pandemya sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng mundo.

“Kaya kanina nu’ng in-announce nila about the concert of ate Regs, siyempre ako napraning din kasi siyempre magkakasama kami sa ASAP,” ang simulang sagot ni Jed sa tanong namin kung napapraning pa rin sila sa COVID-19.

“So, nag-trace na kami lahat. Siyempre inalam na namin kung nag-contact tracing ba lahat. So far everybody is safe naman.

“Wala namang problema so you have to be very conscious din to protect not just yourself but the people din sa bahay mo kasi pasa pasa lang yan, eh.

“Pag napasa mo du’n sa isang tao and that person goes to another place, it’s just going to spread. So konting antay na lang, konting patience na lang tayo lahat kasi the vaccine is about to be released na rin,” lahad ng award-winning singer.

Tinanong din namin siya kung ready na ba siyang magpa-COVID vaccine sakaling maging available na ito sa bansa.

“Ako, ready ako magpa-vaccinate kasi mukhang okay naman. I have family and friends in the states na nagpa-vaccinate na lahat and so far okay naman.

“They’re doing okay and since frontliners silang lahat. Magpapa-vaccinate ako kasi I think I owe it to myself and to the people around me din na maging safe tayong lahat,” aniya pa.
Samantala, excited na si Jed sa free online Valentine concert nilang “Hearts On Fire: Juris and Jed” ngayong Feb. 13, Saturday.

“Sobrang exciting talaga ito. One of the firsts yung show namin and it’s something new and to top it all, libre siya. Everybody can watch it hindi lang dito sa Pilipinas pero all over the world and we prepared so much sa concert na ito.

“In fact, for the longest time, hindi tayo nakapag-perform live so when they offered this, sabi namin nakaka-miss na talaga mag-perform kaya exciting sobra,” chika ng biriterong singer.

“The show will be very personal and the songs will tell stories of our personal experiences na I’m sure makaka-relate lahat. When we came up with the lineup of songs, ‘yung pinaka-goal namin is to make people realize na everybody goes through these phases of love,” sabi pa ni Jed.

Bukod sa tagos-pusong performances, layunin din ng concert na makapaghatid ng mensahe ng pag-asa pagdating sa pag-ibig ayon kay Juris.

“Hopefully sa mga awiting maririnig nila, you will also sense sa kwento ng mga kanta, even from what we’ll share to you, that there’s always hope in the end pagdating sa pag-ibig,” aniya.

Kaabang-abang sa concert ang bersyon ni Jed ng “Paubaya” ni Moira dela Torre at ang classic ‘hugot’ song ni Juris na “’Di Lang Ikaw,” pati na ang iba pang mga awiting tatalakay sa pag-ibig.

Dagdag-excitement naman ang dala ng mga special guest sa virtual event na sina Ice Seguerra at Markki Stroem, pati na ang Kapamilya music artists na sina Miguel Odron, Trisha Denise, at FANA. Sina Edward Barber at Samm Alvero ang magho-host sa concert.

Sinundan ng “Hearts On Fire: Juris and Jed” ang matagumpay na staging ng “Love Jona” noong Peb. 6, na kauna-unahang “YouTube Music Night” sa Southeast Asia sa pangunguna ng YouTube Philippines at produksyon ng ABS-CBN Music.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipagdiwang ang pag-ibig at panoorin ang “Hearts On Fire: Juris and Jed” sa “YouTube Music Night” ngayong Sabado, 8 p.m. at 9 p.m. sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music, MOR, MYX Philippines at One Music.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending