Ai Ai sa mga 'nganga' ngayong V-Day: Baka hindi pa ipinapanganak ang magiging dyowa n'yo | Bandera

Ai Ai sa mga ‘nganga’ ngayong V-Day: Baka hindi pa ipinapanganak ang magiging dyowa n’yo

Ervin Santiago |February 12,2021
facebook
share this

Ai Ai sa mga ‘nganga’ ngayong V-Day: Baka hindi pa ipinapanganak ang magiging dyowa n’yo

Ervin Santiago - February 12, 2021 - 09:25 AM

NAGBIGAY ng payo ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa lahat ng mga “nganga” ngayong Valentine’s Day.

In fairness, kung may isang female celebrity na may karapatang magbigay ng advice tungkol sa usaping love at pakikipagrelasyon, yan ay walang iba kundi si Ai Ai.

Alam naman ng lahat na napakarami at napakalawak na ng experience ng Kapuso comedienne pagdating sa pag-ibig dahil nakailang dyowa na rin naman siya, kumbaga beterana na siya sa when it comes to relationship problems.

Sa nakaraang virtual mediacon ng bagong teleserye ng GMA, ang “Owe My Love”, natanong ang cast kung ano ang maibibigay nilang mensahe para sa mga hindi pa nakakahanap ng kanilang “the one” ngayong Valentines’ Day.

Sey ni Ai Ai, “Wag kayong mawalan ng pag-asa, nakita n’yo naman ako ‘di ba? Sino naman mag-aakala na makakapag-asawa pa ako?

“Nakita n’yo naman asawa ko, bagets. So hintay-hintayin n’yo pa rin, baka naman hindi pa ipinapanganak ‘yung magiging jowa n’yo,” chika pa ng komedyana na ang tinutukoy ay ang husband niyang si Gerald Sibayan.

Aniya pa, “Hintay-hintay lang. Darating din ‘yan, kung bigay ni Lord para sa inyo. Hintay-hintay lang, ‘wag mainip. Tingnan mo nga ‘yung akin, ‘di ba. Ganu’n lang ‘yun. Happy lang.”

Samantala, hindi naman magpapakababog si Ai Ai pagdating sa kanyang mga colorful and whimsical outfits sa inaabangan nang romcom series na “Owe My Love.”

Gaganap si Ai Ai bilang si Vida Morales, ang bonggang boss ni Sensen Guipit na gagampanan naman ni Lovi Poe.

“Ako ang may-ari ng VidaRolling Store. Ako ang boss ni Sensen na minsan nagpapautang sa kanya at nagbibigang payo para sa mga empleyado, kasama si Kiray at si Jason.

“Ako rin ay kalaban ni Ms. Jackielou Blanco sa lovelife naman namin kaya yan ang abangan nila, yang mga paandaran naming ganyan,” sabi pa ng komedyana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan si Ai Ai bilang bonggang boss ni Sensen ngayong Feb. 15 sa “Owe My Love”, 9:35 p.m. sa GMA Telelababad! Makakasama rin dito sina Benjamin Alves, Kiray Celis, Winwyn Marquez, Buboy Villar, Nova Villa at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending