Bagong bahay na ipinatatayo ni Sharon kakayanin kahit intensity 10 na lindol | Bandera

Bagong bahay na ipinatatayo ni Sharon kakayanin kahit intensity 10 na lindol

Ervin Santiago |February 11,2021
facebook
share this

Bagong bahay na ipinatatayo ni Sharon kakayanin kahit intensity 10 na lindol

Ervin Santiago - February 11, 2021 - 03:55 PM

TULUY-TULOY lang construction ng ipinagagawang bahay ni Megastar Sharon Cuneta na tinawag niyang “forever home”.

Kahit nga patuloy pa rin ang banta ng pandemya, hindi pinatigil ng singer-actress-TV host ang pagpapagawa ng napakalaki niyang bahay para raw makapagbigay pa rin siya ng trabaho sa ilan nating mga kababayan sangitba ng krisis.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Sharon ang isang maikling video clip kung saan makikita ang malawak niyang property na punumpuno ng scaffoldings at ng mga construction workers.

Sabi niya sa caption, “(The) basement parking in our forever home is halfway done! It’s under half the whole house. I am so excited that we’re moving forward!”

Last year pa raw nagsimula ang construction ng kanyang “forever home” (August) at ang sabi nga ng kanyang contractor, baka raw matapos ang structure “in a little over two years.”

“I hope tapos na ‘yung ‘a little over,’ pero I know hindi pa! But, basta super tibay, magaling ang pagkakagawa, at pulido, mabilis lang siguro naman din lilipas ang two years. Sana rin wala nang pandemya noon!

“Galing my workers! Everyone works and works, and in such an organized manner!” pahayag pa ng Megastar.

Dagdag pa ni Shawie, “I’m praying all goes well until the end. Kakayanin daw ng bahay namin kahit lindol na intensity 9 to 10! Thank God talaga!”

Kung matatandaan, last July, 2020 ibinalita ng movie icon na maipatatayo na niya sa wakas ang kanyang dream house para sa sarili, sa asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan at para na rin sa kanyang mga anak at sandamakmak na alagang hayop.

“It has taken us years to start rebuilding the new one because I got into debt of hundreds and millions.

“Now, I am okay. I pray that we can complete this before they [kids] all grow up, get married, and move out. May it be a blessed, happy home. Less house, more home,” ang bahagi ng naging post noon ni Mega sa kanyang Instagram.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Balitang magkakaroon din ng sariling compound ang mga alaga niyang aso sa ipinatatayong bonggang-bonggang mansion na siguradong lelebel din sa mga sosyaling hotel sa Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending