I-text kay Madam Sophia (August 30, 2013)

Mula kay Florabelle ng …3142, Angeles City, Pampanga. January 18, 1979 ang birthday ko. Gusto ko pong mag-abroad para mabago naman ang takbo ng buhay namin, kailan po ba ang favorable years ko para makapangibang bansa.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong January 18, 1979, sa taong 2014 hanggang 2015 sa edad mong 35 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
>>>
Mula kay Carla Ronquillo ng Zambonga del Sur. December 12, 1992 ang birthday ko. Balak ko po ng mag-aral sa susunod na sem, may pag-asa pa kaya akong makapag-college, kahit na mahirap lang kami at bagay kaya sa akin ang iniisip kong kurso na Education?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 12, 1992, bagay na bagay sa iyo ang iniisip mong kursong Education at sa nasabing larangan tiyak na magiging successful ka, dagdag dito sa susunod na taong 2014 ka pa makapag-aaral sa buwan ng Hunyo sa tulong ng isang kamag-anak o ka-dugo mo rin na isinilang sa zodiac sign na Taurus.

Read more...