SA Bulacan tumaya ang nanalo ng P44 milyong jackpot prize sa bola ng Lotto 6/42 Huwebes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa bayan ng Malolos. Siya ang nag-iisang tumaya sa mga lumabas na numerong 17-09-42-29-34-36.
Ang nanalo ay may isang taon upang kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO sa Pasay.
Nagkakahalaga ng P24.4 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola.
Samantala, nanalo naman ng tig-24,920 ang 49 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.
Tig-P410 naman ang 2,359 na naka-apat na numero at ang nanalo ng balik-taya (P20) ay 33,557.
MOST READ
LATEST STORIES