Menor na tomador dapat ikulong – solon

NAIS ipakulong ng isang mambabatas ang mga menor de edad na gumagamit ng pekeng identification card upang ipakita na sila ay 18-anyos na at makabili ng alak.

Ayon kay Quezon Rep. Angelina Tan nakakabahala na ang mataas na bilang ng mga menor de edad na bumibili at umiinom ng alak kaya ipinanukala niya ang pagpasa ng Anti-Underage Drinking Act (House Bill 258).

Sa ilalim ng panukala, makukulong ng hanggang tatlong buwan at magmumulta ng hindi bababa sa P10,000 ang magbebenta ng alak sa mga menor de edad, at mga nandaraya ng edad para makabili ng alak.
Batay sa pag-aaral ng World Health Organization na nakuha ni Tan, dalawa sa bawat 10 Filipino na edad 15-18 ang umiinom ng alak. Sa bawat 10 umiinom, anim naman ang hindi kontento sa dalawang bote ng alak.
Sa WHO Youth Violence and Alcohol Fact Sheet sinabi naman na 14 porsyento ng 15-24 anyos ang nananakit kapag lasing.
Ang mga menor edad na naglalasing ay nalalapit din umano sa mga insidente ng pananakit, pagkabuntis, nagagahasa at nakakukuha ng sexually transmitted disease gaya ng HIV-AIDS.

Read more...