SI Miguel Tanfelix ang gaganap bilang Steve Armstrong habang si Ysabel Ortega naman ang napili bilang Jamie Robinson sa live action series na “Voltes V Legacy.”
Kumpleto na ang limang pangunahing tauhan sa inaabangang Pinoy version ng Japanese anime na “Voltes V” na mapapanood na very soon sa GMA.
Kanina sa “24 Oras” ipinakilala na si Miguel bilang si Steve na siyang tatayong team leader ng grupo. Siya ang magiging piloto ng volt cruiser na siyang nagiging ulo ni Voltes V.
“Ang sarap sa pakiramdam, para akong nasa cloud 9 at tuwing gigising ako sa umaga I’m so pumped eh,” pahayag ng binata sa panayam ng GMA.
“Si Steve, lider siya eh, alam ko kung paano umasta bilang isang lider, paano ‘yung confidence niya and of course nagbabasa din ako ng books about leadership at nakikinig ako ng podcast,” sey pa ni Miguel na halos isang taon ding naghanda para sa nasabing project.
“Babalik iyong pagkabata ninyo, maaalala ninyo ‘yung moments ninyo habang pinapanood ang Voltes V,” ang mensahe naman niya sa mga fans.
Dagdag pa ng Kapuso actor, “At sa kahenerasyon ko ngayon, ipaparanas namin kung ano nararamdaman ng nanay [at] tatay ninyo habang pinapanood ang Voltes V with a different flavor, paparamdam namin sa inyo iyong lungkot, saya, epicness at marami pang iba.”
Samantala, si Ysabel naman ang magbibigay-buhay kay Jamie na siyang ninja at pilot ng volt lander na nagsisilbing paa ng higanteng robot.
Kuwento ng dalaga, “Even before na mag-start pa ‘yung official training namin, gusto ko na magkaroon man lang ng konting background sa martial arts, sa kick boxing, sa Muay Thai. So I can say na now I’m more than ready.”
“Voltes V has a lot of meaning to its story its not just about family its not just about fighting for what you believe in its about serving your country, its about being a hero in your own way and i would like to be in that position to inspire a lot of people,” lahad pa ng Kapuso young actress.
Kamakalawa, in-announce ng GMA ang naunang tatlog miyembro ng Voltes V — sina Radson Flores na gaganap bilang si Mark Gordon, Matt Lozano as Robert “Big Bert” Armstrong at ang Kapuso child star na si Rafael Landicho bilang si Little Jon.