Julia gustong magkapamilya sa batang edad; may hugot para sa mga housewife

PANGARAP talaga ng young actress-vlogger na si Julia Barretto na magkaroon ng sariling pamilya at maging housewife sa batang edad.

Nais daw kasi niyang ma-enjoy at ma-experience ang pagiging misis at mommy nang mas mahabang panahon.

“If I’m being completely honest kasi, I’ve always dreamt of, you know, having a family early on in life. Like that is always a thing growing up,” pahayag ng dalaga sa pakikipagchikahan niya sa podcast ng kaibigan niyang si Angel Dub.

Dagdag pa niya, “Like I always wanted to have a family at a young age ‘cause I wanted to have a lot of time. And I wanted to grow together with my family that you know, I will have in the future.”

Napag-usapan kasi ng dalawa ang tungkol sa isyu ng diskriminasyon sa mga babaeng mas pinipiling maging housewife kesa magtrabaho at maging working mom.

Hindi nagustuhan ni Julia ang kuwento ni Angel tungkol sa kaibigan niyang natawa nang ipagpalit ng isang kakilala nito ang magandang trabaho sa isang kumpanya sa pag-aalaga sa kanyang pamilya.

Ani Julia, maituturing na isa sa pinakamahirap na “trabaho” sa buong mundo ang pagiging asawa at ina dahil 24/7 kang nakatutok sa iyong pamilya.

“A home creator is not an easy job. I dream to become a housewife. There’s like a boss housewife, you got your own work going on, but you know, your number one priority is your kids and your family,” lahad ng aktres.

“It’s not an easy job. But you know, I’m so proud of this generation. Like our generation now, our time now, like you’ll see more husbands and more men really praising their partners.

“‘Cause they really witness in their every day lives how challenging it is to be a homemaker, to be a wife and to be a mom at the same time,” pagpapatuloy pa ng rumored girlfriend ni Gerald Anderson.

Nagbigay din ng mensahe si Julia sa lahat ng babaeng patuloy na nagsasakripisyo para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak.

“You have to take care of your spouse, you have to take care of your kids without forgetting yourself at the same time. Like we’re in a time na where men and like everybody else are more appreciative.

“They praise women now because they see na Oh it’s more now, they see it more now. They understand how difficult of a job it is,” chika pa ni Julia.

Kamakailan ay inamin ng dalaga na “taken” na siya at super happy sa kanyang lovelife pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang pangalanan ang maswerteng guy.

Pero marami ang naniniwala na matagal na silang magkarelasyon ni Gerald base na rin sa mga “resibo” na ipino-post ng mga netizen kung saan makikita silang magkasama sa ilang pagkakataon.

Read more...