Liza nakahanap ng kakampi kontra poster ng ‘Tililing’, ADSP umalma na rin: Wag nating pausuhin

MAS uminit pa ang issue tungkol sa kontrobersyal na poster ng pelikula nina Gina Pareño at Baron Geisler na “Tililing.”

Pagkatapos ma-bash at manega ng Kapamilya actress na si Liza Soberano dahil sa naging reaksyon niya sa nasabing movie poster, isang online group naman ang naglabas ng official statement tungkol dito.

Maraming kumuwestiyon at na-offend sa poster ng “Tililing” kung saan nakabalandra ang mukha ng mga bida sa pelikula na iba’t iba ang ipinakikitang expression.

Isa na nga riyan si Liza na matapang na nag-repost ng nasabing poster sa Twitter na may mensaheng, “Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma.”

Dahil nga rito, na-bash nang bonggang-bongga ang dalaga kaya naman agad siyang humingi ng paumanhin sa lahat ng naapektuhan sa kanyang pahayag kasabay ng pagpapasalamat kay Baron Geisler na nagtanggol sa kanya laban sa mga haters.

Kasunod nito, isang grupo na nagtatanggol at sumusuporta sa mga taong may anxiety at depression ang naglabas ng sarili nilang version ng “Tililing” poster.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Anxiety and Depression Support Philippines (ADSP) na ang original poster ng pelikula ay “problematic.”  Kaya ang ginawa ng grupo, pinalitan nila ang mukha ng mga bida para ipakita ang iba’t ibang mga mukha ng mental illness.

“We can’t judge the movie if we haven’t seen it yet. Let us just hope that it’s done tastefully. The thing is, the poster is problematic,” ayon sa ADSP.

“You see.. media is a big part of social conditioning. Na pag maputi, maganda. Ung pulis, sa huli dumadating. Pag bakla, kikay. Pati na yung may mental health issues, suicidal sila or may split personality.

“‘Di lahat ng makakakita ng original poster ay magbabasa, mag-iimbestiga o manonood. Maaaring tumatak ‘yang impresyon na ‘yan sa utak nila nang matagal o habambuhay,” dugtong pa ng grupo.

Inalmahan din ng ADSP ang paggamit ng titulong “tililing,” “Even us patients and the professionals don’t use this word.”

“Even the government is careful in addressing people with mental health struggles. ‘Wag nating pausuhin.

“And the sad part is, hindi naman lahat ng may ’tililing’ or may pinagdaraanan ay mahahalata mo. ‘Yung ibang may pinagdadaanan, sila pa ‘yung nakatawa. Sila ‘yung pinakamasaya sa barkada, ang breadwinner ng pamilya, ang boss ng kumpanya, ang pinakamagaling sa eskwela.

“Again, the poster is problematic but that’s a good marketing tactic.

“Do understand na for the sake of publicity, most people will do everything for marketing. Wala silang intensyon manakit, ang intensyon nila ay bumenta. Nung inisip yung poster, siyempre ang inisip nila ay kung paano magiging catchy at mapansin. Hindi nila inisip na kung may matatapakan ba or accurate ba.

“Ika nga nila, maraming mukha ang problema. At gusto naming ipakita rin ang ibang mukha — merong mukang masaya, highly functional, productive pero sa loob-loob, may kadiliman,”

“Kung maganda man ang intensyon ng pelikula, exciting yan! Sana may guidance ng mga eksperto para pasok talaga sa banga lalo kung para sa mental health awareness ito. If not.. oh well, that’s showbiz,” ang mensahe pa ng grupo.

Read more...