MATAPANG na inalmahan nina Agot Isidro at Enchong Dee ang bagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isyu ng pagbibigay muli ng prangkisa sa ABS-CBN.
Mariing sinabi ng Presidente na hindi pa rin nito balak bigyan ng “license to operate” ang Kapamilya network kahit pa magkaroon o isyuhan uli ito ng bagong franchise.
“Congress is planning to restore the franchise of the Lopez.
“Wala akong problema doon kung i-restore ninyo. Kung ibigay ninyo yung franchise because it is within your power to do it, go ahead.
“If you say if they can operate kung meron na sila [franchise], no. I will not allow them. I will not allow the NTC to grant them the permit to operate.
“Unless and until mabayaran ng mga Lopez ang taxes nila, I will ignore your franchise and I will not give them the license to operate.
“Kalokohan ‘yan. Parang binigyan mo sila ng prize for their being… for committing criminal acts,” ang pahayag ng Pangulo sa kanyang weekly public address (recorded) kagabi.
Ito’y sa kabila nga ng paulit-ulit na pahayag ng ABS-CBN at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na regular ang pagbabayad ng tax ng network sa nakalipas na mga taon.
Samantala, muling nag-react ang ilang Kapamilya stars sa mga sinabi ni Pangulong Duterte kabilang na sina Agot at Enchong na kilalang kritiko ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Agot, pinatunayan lang daw ni PDuterte kung sino “talaga ang nagpasara sa ABS-CBN.”
Tweet ng aktres, “Si Duterte. Hindi ang kongreso, hindi ang NTC. Utos niya, simula’t sapul.”
Ngayong araw naman, ibinahagi ni Enchong sa kanyang Twitter account ang quote card ng Inquirer.net hinggil sa pahayag ni Duterte laban sa pagbabalik-operasyon ng ABS-CBN.
Matapang na sabi ng aktor, “Andyan ka pa rin?? Hoy Gising!
“Ang daming Pilipino naghihirap ngayon, yun muna unahin natin…kahit wala kaming franchise nakakapagbigay serbisyo kami.”