Feeling sikat na aktor tumangging makipag-collab kay sikat na aktres sa YouTube: Bano namang umarte!

FEELING sikat ang hindi naman kasikatang aktor na ang tingin sa sarili ay isa nang superstar.

Ang kanyang paniniwala ay hindi na niya kailangan ng sinumang personalidad para maka-collab sa vlog at ang katwiran niya ay super busy siyang tao.

Nang banggitin sa amin ng kaibigan ng sikat na aktres ang pangalan ng feeling sikat na aktor ay talagang tinanong namin kung sino siya? At bigla naming naalala na lagi siyang laman ng blind items dahil sa ugali niya.

Ayon sa kaibigan ng sikat na aktres ay nakatrabaho nito sa pelikula ang feeling sikat na aktor at magkakilala naman kaya in-approach niya kung puwede silang mag-collab sa pareho nilang YouTube channel na parehong milyones ang subscribers at hindi bumababa sa 100k ang views ng bawa’t videos nila.

Tsika ng kaibigan ng sikat na aktres ay naloka ito dahil matagal bago siya sinagot ng feeling sikat na aktor at saka sinabing, “Hindi ako nakikipag-collab saka busy ako.”

Sabay check namin sa YT channel ng feeling sikat na aktor kung totoong hindi siya nakikipag-collab sa ibang artist. Susme, ang dami-dami na pala niyang kasama sa mga video na ina-upload niya.

At dahil milyones na rin ang views ng feeling sikat na aktor ay mas gusto niya sigurong solohin na lang ang pagba-vlog sa YT channel para  nga naman sa kanya lang ang kita at original content pa.

Natawa raw ang sikat na aktres ayon sa kaibigan niya dahil mas malaki ang maitutulong nito sa feeling sikat na aktor lalo na sa projects nito sa telebisyon dahil puwede silang magkatrabaho ulit since walang regular show ngayon ang feeling sikat na male star.

“Paano bibigyan ‘yun hindi naman marunong umarte!  Baka nga lapag nagkatrabaho sila ni _____ (sikat na aktres), e, bigla siyang magkaroon ng free workshop dahil nagtuturo ng acting workshop si _____ (sikat na aktres) ‘no!” kuwento pa sa amin ng kaibigan ng sikat na aktres.

Oo nga, parang four years ago pa yata ang last project ng feeling sikat na aktor dahil hindi na siya binibigyan ng network niya ng trabaho dahil nga hindi naman nakakatulong sa show dahil walang acting.

Sa totoo lang pinanood namin ang luma niyang series. Iniisip din namin kung bakit siya naging artista, unang-una hindi kaguwapuhan, pangalawa hindi rin katangkaran at ikatlo puro pa-cute lang ang alam.  Buti pumapasa sa direktor ang acting niya?

Kaya siguro hindi na nasundan pa ang project niya dahil baka napagalitan ng management ang direktor.

Read more...