Hirit ni Kit Thompson kung jojowain ba niya si Agot: Grabe naman! Ganu’n katanda?

“GRABE naman! Ano ganu’n katanda?” Ito ang sagot ni Kit Thompson tungkol kay Agot Isidro sa “Jojowain o Totropahin” challenge na mapapanood sa YouTube channel ni Erich Gonzales.

Puro kasi totropahin ang sagot ni Kit sa mga artistang binanggit ni Erich na kasama niya sa teleseryeng “La Vida Lena” bilang si Miguel Villarica na napapanood sa iWantTFC simula pa noong Nob. 14.

Katwiran ni Kit ay ‘yung medyo mature naman o ayaw niya ng bata tulad ni Danica Ongtengco at iba pa kaya tropa ang tingin niya sa mga ito.

“Gusto mo ‘yung mas may edad?  Mga ilang taon? O, sige ito na ‘wag nang magpatumpik-tumpik kasama rin natin sa taping, mga veteran (actresses) tayo. Miss Agot Isidro?” sabi ni Erich kay Kit.

“Grabe naman, ano ganu’n katanda (sabay tawa ni Kit na nakapikit pa ang mga mata).”

Naloka si Erich sa sagot ng aktor, “Grabe ka! Hala mag-sorry ka na sa kanila kay Ms. A (Agot) at kay Ms. J (Janice de Belen).

“Mahal naman ako n’yan,” sambit ni Kit patungkol kay Agot.

“Oo nga, pero si Ms. J hindi tayo sure diyan,” sabi ni Erich sa kanyang co-star sa serye.

“Si Ms. J? Bakit sinabi ko ba (hindi itinuloy),” saad ni Kit.

Sabay sabi ng aktres, “Okay si Ms. J, napakasarap magluto, ang sarap kausap, pretty, smart.”

“Ms. J, 10 years ago? Ha-hahahaha!” tumawang sabi ng aktor.

Medyo nairita na si Erich kaya ang sunod niyang tanong, “So, anong edad ba (ang gusto mo)?”

“Grabe ka naman mga 40’s na ‘yung mga binanggit mo 23 (years old) pa lang ako. Puwede na mga five years (older),” paliwanag ni Kit.

“Okay ito na lang, ano ba kasi ang type mo?” balik-tanong ng aktres sa aktor.

“Well, first glance (dapat) mestiza, matangkad siyempre, sexy of course pero hindi rin ‘yun nagtatagal, eh,” saad ng binata.

“So ano ang pinaka-importante sa ‘yo?” tanong uli ng dalaga.

“Hmmmm, siguro ang gusto kong jowa is nandoon for me emotionally. A supporting person. I think that’s what really catches my attention,” saad ni Kit.

Muling tanong ni Erich, “Important ba na she’s funny o hindi naman, kahit seryoso siya?”

Mabilis na sagot ng binata, “Hindi kailangang funny siya kasi masyado akong seryoso.”

“Seryoso ka ba? Oo guys buti nga napapayag ko siya as in hinanap ko pa siya nagtago talaga siya nasa kotse na siya at nagpatulong talaga ako sa mga (tao sa taping),” kuwento ni Erich.

Nang binanggit ni Erich si Kathryn Bernardo, “Tropa kasi bawal kay Daniel (Padilla), eh,” katwiran ni Kit.

“Wag kang masyadong magtropa!” giit ni Erich.

“E, bigyan mo ako (pangalan) ng maganda,” natawang sabi ni Kit.

Pero nang banggitin na si Liza Soberano, ang ganda ng ngiti ng aktor, pero aniya, “Wala bang single diyan?”

“Given na lahat single ang babangitin ko,” sabi ni Erich.

“Lahat single, okay sige, puwede ko jowain (si Liza) pag may permit,” magandang ngiting sabi ng aktor.

E si Nadine Lustre? “Hmmmm, tropa! Feeling ko mas masaya siyang tropa sa tingin ko lang. May mga ganu’n, di ba? Mas masarap na tropa,” say ni Kit.

Si Ivana Alawi na nakasama ni Kit sa teleseryeng “Mea Culpa: Sino ang Maysala?” Tawa nang tawa si Kit sabay sabing, “Tropa ‘yun tropa.  Hindi kami…bros (brothers) kami.”

“Sure? Sexy maganda vavaboom,” diin ni Erich.

“Ay grabe pag sexy (at) maganda kailangan jowain agad?” balik tanong ni Kit.

Tropa rin para sa kanya si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, “Tropa ‘yan! Kasi friends kami niyan. Nakilala ko siya before pa siya nanalo. We hang out in New York (USA),” kuwento ni Kit.

Hindi naman type ni Kit si Loisa Andalio, “Tropa lang, tropa,” diin nito.

Tanong uli ni Erich sa kanya kung bakit tropa lang, sagot ni Kit, “Tropa lang talaga, hindi ko lang type!”

Si Maja Salvador? “Puwedeng jowain, Maja ‘yun, eh,” nakangiting sabi ng aktor.

At si Bea Alonzo, “Tropa-tropa,” sabi ng binata.

“Bakit tropa? Lahat sila (gusto jowa), ikaw?” tanong ni Erich sa leading man niya sa “La Vida Lena.”

“Hindi ba puwedeng type ko muna ang babae bago ko jowain?” katwiran ni Kit.

E, si 2018 Miss Universe Catriona Gray? “ Hindi puwedeng jowain ‘yan. Ha-hahaha!” tumawang sabi ni Kit na ikinatawa rin ni Erich.

Kasi jowa na ni Sam Milby si Catriona at iisa ang manager nila.

Nang banggitin ang pangalan ni Sophia Andres na kasama rin nila sa “La Vida Lena”, “Puwede bang 50-50? Tagal ko nag-isip, o sige na nga jojowain na.”

Read more...