Angel vs Marian: Hanggang Kamatayan Ang Laban

Angel Locsin at Marian Rivera

LUMABAS na ang picture kung saan magkasama sina Angel Locsin at Marian Rivera. Nakatawa at parehong nasa vibes mode ang dalawang dating Darna ng GMA.

Nauna nang nagsalita noon si Marian na okey sa kanya na magkasama sila ni Angel on any projects. Unang-una wala silang gap. Nakaalis na ng GMA si Angel nu’ng ipinalit si Marian sa Marimar.

As for Angel, hindi siya nabigyan ng chance na makilala ng personal si Marian. Pero dahil nga si Angel dapat ang bibida sa teleseryeng Marimar kaya lang sila iniintriga noon ni Marian. Dinagdagan pa ng kompetisyon kung sino ang number one sexiest star sa isang men’s magazine.

Ayon naman sa handler ni Angel, kinunan daw ang picture ng alaga niya at ni Marian sa isang pictorial. Pero hindi raw pictorial lang ‘yun nina Angel at Marian. Marami raw sila doon.

Since that was the first time na nakitang magkakasama sa isang project sina Angel at Marian kaya napagkatuwaan na kunan sila ng picture. At game na game naman nagpa-picture ang dalawa.

Ayon sa mga nakakita, feeling nila walang plastikang naganap. Pero may nagsasabi naman na kahit na maayos na ang paligid between the two, tuloy pa rin ang gagawing pagsasabong sa kanila ng fans – parang Nora Aunor-Vilma Santos lang ang peg niyan. Yung kahit hanggang sa kamatayan ay sila pa rin ang paglalabanin at pagtatapatin sa showbiz industry.

Samantala, seksing-seksi naman kami kay Angel nu’ng makita mamin siya sa taping ng Toda Max. Pero sabi ni Angel, tumaba pa raw siya that time. Kagagaling lang kasi ng aktres sa bakasyon.

Ilang araw silang magkasama ng boyfriend niyang si Phil Younghusband sa Japan. Doon daw sila nag-celebrate ng birthday ni Phil.

Next month magsisimula na rin si Angel ng bago niyang movie sa Star Cinema. This time, ang co-star din niya sa Toda Max at TV host na si Vhong Navarro ang kanyang magiging leading man ayon na rin sa komedyante nu’ng makausap namin kamakailan.

Read more...