Sam Ayaw Pang Sagutin Ni Jessy, Pahihirapan Muna Sa Panliligaw

Sam Milby at Jessy Mendiola

U’NG lumabas ang isyu na parang sinasabing magdyowa na sina Sam Milby at Jessy Mendiola, I immediately called my baby to ask kung totoo ang chikang ito. Kasi nga naman, matagal-tagal nang walang girlfriend ang anak-anakan natin and if true ang rumor about him and Jessy, siyempre magiging happy rin kami.

Unang-una, gandang-ganda kami kay Jessy at mukhang mabait naman na bata and most of all, we feel na bagay sila ni Sam.

“No. Hindi ko po girlfriend si Jessy. I admit that I am courting her. Pero wala pa. Nasa friendly stage pa lang kami, I am just hoping na sana…alam mo na,” ang parang nahihiya pang pag-amin sa amin ni Sam sa panliligaw niya sa magandang aktres.

Lumalabas daw sila once in a while ni Jessy pag meron silang time. Dinner, watch movies – pero hanggang doon pa lang daw. But I told Sam, the fact na pumapayag ang isang girl to go out often with a suitor, malamang sa hindi ay papunta na rin iyon sa isang seryosong relasyon, na magiging sila na nga in the end.

Well, na kay Sam na iyon kung paano niya mapapaibig nang todo si Jessy and eventually, sagutin siya. Tingnan natin kung si Sam na nga ang ipapalit ni Jessy sa ex-boyfriend niyang si JM de Guzman. Let’s wait and see na lang. Kung saan masaya si Sam, siyempre happy rin kami. Tama? Tama!

Pero sana naman, huwag masyadong pahirapan ni Jessy si Sam, ‘no! Ha-hahaha! Parang nanay lang ang peg, ‘no!

 

Read more...