“Ito ‘yung araw na aalis siya for lock-in (shoot), so babay,” ang natawang sabi ng aktres sa ginanap na mediacon para sa pelikulang “Dito at Doon” na mapapanood na sa Marso 17 sa mga piling sinehan sa Metro Manila.
“We’ll see,” dugtong ni Janine nang matanong sa plano nila ni Rayver sa Araw ng mga Puso. Aniya, baka agahan na lang nila ni Rayver ang V-date nila o baka naman sopresahin daw siya ng binata.
Walang pinag-aawayan sina Janine at Rayver dahil magkasundo sila sa lahat ng bagay at halos pareho rin sila ng ugali.
Pero dahil sa TikTok challenge na ginawa ng aktres para sa ibang tao ay nagtampo ang aktor.
Kuwento ni Janine, “Nu’ng nag-Showtime ako, si Kuya Teddy (Corpus) nagsabi sa akin ng, ‘Janine TikTok ka naman sa akin.’ sabi ko, ‘o siyempre, game.’ Kasi wala naman sayaw aura-aura lang.
“Tapos pag-uwi ko tinawagan ako ni Rayver sabi niya, ‘Bakit sa kanya (Teddy) nag-TikTok ka, sa akin hindi ka pumapayag.’ Saka talagang seryoso na malungkot siya.
“Pero pinagbigyan ko na siya once nu’ng birthday (July, 2020) niya, so maybe sa birthday niya ulit (2021), once a year,” natatawang sabi ng dalaga.
Paano nawala ang tampo ng boyfriend sa kanya, “Wala, tawa-tawa lang tapos ba-bye na nahiya talaga ako. Saka hataw siya (magsayaw) ang hirap niya sabayan.”
Ang maganda kina Janine at Rayver ay wala silang pakialamanan sa trabaho at mga gagampanang karakter dahil alam naman ng bawa’t isa ang kanilang limitasyon at suportado nila ang isa’t isa.
Samantala, natanong si Janine kung sakaling alukin siyang gumawa ng GL o Girls’ Love series o movie ay okay sa kanya. Patok kasi ang BL o Boys’ Love projects ngayon.
Mabilis na sagot ng dalaga, “Yes, of course. I’ll always wanted actually mayroon akong chance na mapasama sa isang pelikula, it didn’t push through, sayang. It’s always something that I’m hoping na magawa, so, tingnan natin.”
Ang gustong makasama ni Janine sa GL project, “Ang daming mahuhusay na artista, nandiyan sina Liza (Soberano), Nadine (Lustre), Lovi (Poe), Alex de Rossi.”
Willing ding magpaka-daring si Janine, “Opo. The most important thing is the material. Kung maganda talaga ang material and it really calls for skin o a scene na medyo daring puwede. Nasa material talaga ang basehan ko at sa direktor kung sino ang gagawa,” pahayag ng dalaga.
Patuloy pa niya, “Siguro it depends din kung how the film will go. Kung pupunta ba ng Cannes (film festival). Sa ikakalayo ng pelikula siguro ‘yun din ang ikakalayo para hindi sayang siyempre and if it’s worth it di ba, why will you not do it,” diretsong sagot ng dalaga.
Anyway, mapapanood na nga ang “Dito at Doon” sa Marso 17 handog ng TBA Studios at WASDG Productions na idinirek ni JP Habac. Kasama rin dito sina JC Santos, Yeshi Burce, Victor Anastacio at Lotlot de Leon.