Karla proud nanay sa anak na si Magui, pasok sa ‘Australia’s #1 university’

PROUD na proud na ibinandera ng actress-TV host na si Karla Estrada sa madlang pipol ang bagong achievement ng kanyang anak na si Magui.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, in-announce ng nanay ni Daniel Padilla kung gaano siya kasaya nang matanggap ang good news hinggil sa pag-aaral ni Magui.

Ani Karla, walang mapaglagyan ang kaligayahan niya bilang proud nanay sa anak matapos malamang natanggap ito sa University of Melbourne, na itinuturing na isa sa pinaka-prestigious na unibersidad sa Australia.

“Congratulations my dearest ate Magui for getting into Australia’s #1 university! You got it anak! Wooohoooo,” simulang pahayag ni Karla sa kanyang caption.

“Maglayag ka anak at balang araw matutulungan mo ang mas nakararami,” aniya pa.

Nag-promise rin ang host ng “Magandang Buhay” na palagi lang siyang nasa likod ng anak para sumuporta sa lahat ng mga pangarap niya sa buhay.

“Andito lang ako anak naka-alalay sa ‘yo san man at ano man ang marating mo. Thank you for always making me happy ang proud! I love you!!! Congratulations,” sabi pa ni Karla.

Base sa nakasulat sa acceptance letter ni Magui na ipinost din ni Karla, isa siya sa mga napiling estudyante na magiging bahagi ng, “community of outstanding scholars” kung tatanggapin niya ang alok ng University of Melbourne.

Bumuhos naman ng pagbati sa comments section ng IG post ni Karla para kay Magui. Pati ang mga kilalang celebrities ay nagpahatid ng congratulatory message sa kapatid ni Daniel.

Comment ng girlfriend ni DJ na si Kathryn Bernardo, “Wow!!!!”

“Congratulations!!! She’s going to love Melbourne,” sey naman ni Anne Curtis.

Sabi naman ni KC Concepcion, “Yessss!!! Congratulations Magui.”

“Congrats Magui. Nakakaproud nmn kayu ui sobra,” mensahe ni Melai Cantiveros, Estrada’s fellow “Magandang Buhay” host.

Read more...