Kris sa tanong kung bakit wala pa rin siya sa politika: Dahil hindi 'yan ina-announce, gulatan dapat! | Bandera

Kris sa tanong kung bakit wala pa rin siya sa politika: Dahil hindi ‘yan ina-announce, gulatan dapat!

Ervin Santiago - February 08, 2021 - 12:09 PM

TRENDING at viral na naman ang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil sa nakakalokang memes na ginawa ng mga netizen mula sa dati niyang morning talk show sa ABS-CBN.

Aliw na aliw ang madlang pipol sa nasabing viral memes na kinuha sa video kung saan ini-interview niya ang kanyang anak-anakan na si Kim Chiu. Dahil dito, naging bukambibig na nga nga netizens ang salitang “because.”

Bukod sa pagkalat nito sa Facebook, naging trending topic din ito sa Twitter kaya naman mabilis na nakarating kay Kris. Pero sa halip na mapikon o maasar, sinakyan na rin ito ng TV host-actress.

Sa kanyang Instagram page, ipinost din ni Kris ang nasabing litrato at nilagyan ng caption na, “BECAUSE… alangan naman kayo lang ang nage-enjoy?”

Hirit pa ni Tetay, “Ask me anything I can answer with BECAUSE… cutest questions will get answered.”

In fairness, hindi lang mga ordinaryong netizens ang nagtanong kay Kris kundi pati na rin ang ilang celebrities na game na game namang sinagot ng mommy nina Joshua at Bimby.

Isa sa mga nagtanong sa kanya ay ang kanyang impersonator na si Krissy Achino. Anito, “Magpapakalayo ka on your birthday this year because? Love you, Ms. Kris!”

“Because Bimb is the size of an adult but underage for the vaccine. Because he can continue 8th grade via online studies. Because I won’t get my ‘fit to work’ clearance unless my blood test results show an improvement,” diretsong sagot ng TV host.

Kamakailan, sinabi ni Kris na iiwan muna nila ang buhay sa Metro Manila para pansamantalang manirahan sa probinsya “due to health reasons amid the pandemic.”

May nagtanong din kay Kris kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pumapasok sa politika. Tugon niya, “Because hindi ‘yan ina-announce. Gulatan dapat.”

Ito naman ang tanong sa kanya ng hunk actor na si Tony Labrusca, “Ate Kris, hindi pa po tayo nagkakaroon ng project together because…?

“Because choosy ka! I miss you!” hirit ni Kris.

Sey naman ni Miles Ocampo, “You’re not yet sleeping because…?”

“Patulog na po ate,” sagot sa kanya ng TV host.

May nagtanong din kung bakit hindi pa siya bumabalik sa TV bilang host, sagot ni Kris hindi pa raw ito nakatadhana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At siyempre, hindi rin nagpahuli sa paandaran si Kim Chiu. Ipinost niya ang mga viral image sa kanyang Twitter account at nilagyan ng caption na, “D’yosko kayo talaga! Nahanap n’yo ‘to because???”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending