Jane super crush si Paulo; magpapaka-action star muna sa Probinsyano bago lumipad sa Darna

MULA noon hanggang ngayon ay iisa pa rin ang ultimate crush ni Jane de Leon dahil bukod daw sa kagwapuhan nito ay napakagaling din nito bilang aktor.

“Si Paulo Avelino pa rin. Kasi ewan ko, alam ba niya? Alam niya yata. Siguro naman alam niya na crush ko siya. Siya ang celebrity crush ko, si Paulo,” ang natatawang sagot ng Kapamilya actress sa ginanap na online mediacon para sa pagpasok niya sa seryeng “Ang Probinsyano.”

Dagdag pang paliwanag ni Jane na siya ring gaganap sa bagong version ng “Darna”, “Given na po na guwapo po si Paulo, pero pagdating po sa acting sobrang galing po talaga niya. Kaya ‘yon po ‘yung isa sa reason kung bakit gusto ko po siya makaeksena.”

Sa mga female stars naman, ang gustong makatrabaho ni Jane, “Number one po si Ma’am Charo (Santos), gusto ko po siya makaeksena kasi napanood ko po yung ‘Eerie’ nila ni Ate Bea (Alonzo).

“Sobrang nagustuhan ko po talaga ‘yung film na ginawa ni direk Mikhail Red. Other than Ms. Charo, of course, si Ate Bea. Gusto ko rin makaeksena si Ate Bea and Ate Angelica Panganiban,” dagdag pa ng dalaga.

Samantala, mainit naman ang pagtanggap ng manonood kay Jane bilang bagong karakter sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin kung saan gumaganap siya as Capt. Lia Mante.

Aniya, talagang pinangarap niya ang makasama sa serye, “Nu’ng nagsisimula ako na-imagine ko yung sarili ko na ano kaya kung magiging part ako ng Ang Probinsyano, ano kaya magiging role ko dito, parang ganu’n.

“Kasi grabe nu’ng nag-start yun 16 years old pa ako. Five years ago. Kaya nu’ng sinabi sa akin ng management na magiging part ako ng Ang Probinsyano tapos yung magiging role nga is sobrang nagustuhan ko. May pagkabrusko kasi si Captain Lia Mante.

“Sobrang approved talaga sa akin. And ang inaabangan ko talaga dito yung makaeksena ko si Coco. Yan ang abangan nating lahat,” kuwento ng dalaga.

“Actually iba talaga yung role kay Darna at Narda, si Lia Mante and ini-embrace ko pa yung character niya eh. Si Lia kasi sobrang tough niyang tao. Kasi siyempre nasanay kasi ako sa kapatid (roles), yung mga ganu’n, yung mga estudyante, du’n kasi ako nagsimula.

“Pero siguro kontrabida or bida okay lang basta maging part ako ng show walang problema sa akin yun,” aniya pa.

Sey pa ni Jane, talagang mahahasa siya nang todo sa pag-aaksyon sa  “Ang Probinsyano” na magandang training ground bilang preparasyon sa pagganap niya bilang Darna.

“Unang-una yung endurance ko, kasi matagal ako nag-stay sa bahay eh. Bawal lumabas so kailangan kong tumakbo ulit, mag-exercise, hindi lang sa pagbubuhat.

“And siyempre yung pag-aarte ulit, yung kailangan ko mag-explore inside Ang Probinsyano, kung ano yung nabibigay nila sa aking aral na kailangan kong i-develop and puwede kong ibigay sa character. Marami akong natutunan sa buhay pa lang ni CM (Coco Martin), du’n pa lang sa loob ng set, marami po,” lahad pa ng dalaga.

Read more...