Winwyn Marquez nakatagpo na ng bagong dyowa: Happy ang heart ko ngayon! | Bandera

Winwyn Marquez nakatagpo na ng bagong dyowa: Happy ang heart ko ngayon!

Ervin Santiago |February 05,2021
facebook
share this

Winwyn Marquez nakatagpo na ng bagong dyowa: Happy ang heart ko ngayon!

Ervin Santiago - February 05, 2021 - 10:20 AM

MAY bagong dyowa na ngayon ang Kapuso actress at beauty queen na si Winwyn Marquez.

Inamin ng dalagang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno na masaya at makulay ang personal life niya ngayon dahil sa isang lalaking natagpuan niya sa gitna ng pandemya.

Naikuwento ito ni Winwyn kahapon sa ginanap na virtual presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7 na “Owe My Love” na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Natanong kasi ang aktres na isa na ring certified marine reservist ngayon, kung kumusta na ang estado ng puso niya ngayon.
Halos magtatalong taon na rin kasi siyang single pagkatapos nilang maghiwalay noon ng huling boyfriend niyang si Mark Herras.

“Okay naman, masaya naman po ako ngayon. Masaya naman kasi I’m not single anymore,” pahayag ng dalaga.

Hindi binanggit ni Winwyn kung sino ang maswerteng lalaki na nakagetsing ng kanyang puso ngunit aniya naka-base lamang ang guy dito sa Pilipinas at pansamantala muna silang naghiwalay dahil nga sa pagbabalik niya sa lock-in taping para sa “Owe My Love.”

“Happy ‘yung heart ko, and happy ako dito so kahit malayo ‘yung loved one ko. Okay lang, saka na kami magkikita after lock-in,” kuwento ng Kapuso actress.

Nang matanong kung nagkausap na uli sila ni Mark ngayong proud daddy na uli ang aktor sa panganay na anak nila ni Nicole Donesa, umiling si Winwyn.

Mula raw noong maghiwalay sila ay hindi pa sila nagkikita at nagkakausap ni Mark pero happy daw siya sa mga nangyayari ngayon sa buhay ng dati niyang dyowa lalo pa’t malapit na rin siyang ikasal kay Nicole.

Sey pa ng dalaga, wala ring problema kung mabibigyan uli sila ng chance ng aktor na magkasama uli sa isang project. At kapag nagkrus muli ang kanilang landas siguradong iko-congratulate raw niya si Mark sa pagiging daddy nito.

Samantala, muling aariba si Winwyn bilang kontrabida sa upcoming romantic-comedy series ng GMA na “Owe My Love”, but this time “with a big twist” ang magiging role niya.

“Kontrabida pero comedy. First time ko gagawin ‘yon and na-e-excite ako. Ilalabas ko na lang ang inner Joey Marquez ko minsan,” ani Winwyn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malapit nang mapanood sa GMA 7 ang “Owe My Love” kung saan makakasama rin sina Ai Ai delas Alas, Jackilou Blanco, Nova Villa, Leo Martinez, Kiray Celis, Buboy Villar at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending