Rabiya inalala ang hirap bilang estudyante: P5 ang baon, may 2 notebook, nanghihiram lang ng krayola

NAGBALIK-TANAW si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo noong panahong hirap na hirap ang kanyang pamilya pagdating sa usaping pera.

Tandang-tanda pa ng beauty queen ang mga ginawa niyang pagsasakripisyo at diskarte para lamang makatapos sa kanyang pag-aaral at makatulong sa pangangailangan ng pamilya.

Napa-throwback si Rabiya sa kanyang naging buhay-estudyante nang magtungo siya sa Cebu para magbigay ng tsinelas at school supplies sa ilang kapuspalad na estudyante roon.

Sa kanyang Instagram account, inalala ng dalaga ang pagpasok niya noon sa eskwela na ang baon lamang ay P5 (elementary) at ang sapatos na kanyang sinusuot araw-araw ay tatlong taon na niyang gamit.

“When I was in elementary, I did not have much. I remember, I only had 5 pesos as my baon back then. I only had 2 notebooks for my 8 subjects.

“I used the same shoes from grade 4-6. I had no laptop, no internet access, and there were moments I even needed to go to my classmate’s house to borrow crayons and materials,” caption ni Rabiya sa kanyang IG photo.

Ngunit sa kabila nito, masaya pa rin daw siyang pumapasok sa paaralan, “Still happy studying and doing my school work.” Nangako rin daw siya na gagawin niya ang lahat para maka-graduate para magkaroon ng magandang buhay.

At bilang bahagi ng kanyang pagiging Miss Universe Philippines 2020 at Ambassador for Education, talagang kinakarir ni Rabiya ang pagtulong sa mga kabataan na nagsusumikap sa pag-aaral.

Bumisita siya sa isang eskwelahan malapit sa Cebu City ay nag-donate ng 150 tsinelas at mga educational materials.

“Zaragosa Integrated School is located Badian Island, 2-3 hours away from Cebu City. Many students need to walk 45 mins to an hour just to get there.

“These kids have big dreams for themselves and their families. You can see the drive to succeed in their eyes.

“I want to share my story to those children who are experiencing the same hardships. I want to inspire and motivate them to achieve greater things in their lives,” pahayag ng dalaga.

Malapit talaga sa mga bata si Rabiya kaya naman hindi lang ang kanyang mga titulo na nakuha niya sa Miss Universe Philippines organization ang kanyang ginagamit para sa kapakanan ng mga kabataang estudyante.

Marami rin siyang project ngayon bilang miyembro ng ethics committee ng Infant and Pediatric Nutrition Association of the Philippines, na isang non-government organization sa bansa.

Read more...