Bea sa chikang nagpakasal na sila ni Derek: Kailan pa? Bakit hindi ako na-invite!?
SINAGOT ng tinaguriang Drama Queen ng kanyang henerasyon na si Bea Alonzo ang ilan sa mga “most searched questions” sa internet tungkol sa kanya.
Ilan nga rito ay ang chika tungkol sa umano’y secret relationship nila ni Derek Ramsay at ang tsismis na ikakasal na raw sila; kung totoo bang nag-date sila noon ni John Lloyd Cruz; paano siya na-discover; at kung paano siya pumayat nang bonggang-bongga.
Sa kanyang latest vlog, naglaan ng panahon ang dalaga para replayan ang ilang kontrobersyal na questions ng kanyang mga supporters.
Una na nga riyan ang tungkol sa pagpapakasal. Sey ni Bea ito raw ang isa sa most searched question about her nang mag-check siya sa Google. Mukhang atat na atat na raw ang madlang pipol na makita siyang ikinakasal.
Tanong pa ng isang netizen kung totoong nagpa-secret marriage na raw siya, “No. Guys, hindi. Wish ko lang pero hindi pa. Sana in the near future. Bakit ba kayo nagmamadali, may taxi ba sa labas? Hindi pa.”
Dito rin niya dinenay ang tsismis na ikinasal na raw siya kay Derel Ramsay, “Huh! Hindi ko alam na ikinasal na pala si Bea kay Derek. Kailan pa? Bakit hindi ako na-invite? Hindi po totoo.
“Matagal na kaming magkaibigan ni Derek, naging leading man ko siya sa dalawa kong movie and nagkasama rin kami sa teleseryeng ‘Magkaribal.’ So, no, we’re not dating at hindi kami ikakasal,” paglilinaw ng aktres.
Sa chika naman kung nag-date ba sila ni John Lloyd noong kasagsagan ng kasikatan ng kanilang loveteam, ito lang ang nasabi ng aktres, “Did we? Ha-hahaha!”
Pero kinumpirma nga niya ang gagawin nilang reunion movie this year, “I would be doing a project with him this year and I can’t wait to share with you guys what it is about. It will be a reunion project between me and John Lloyd and also direk Cathy (Garcia Molina) and Carmi Raymundo.
“This year also, I will be doing a movie with Alden Richards and another one with Erik Matti. So watch out for that,” dagdag pa niyang chika.l
Sinagot din ng aktres ang tanong kung paano siya nadiskubre at nagsimula sa showbiz, “I was discovered in a beauty contest. Nakakahiya. I joined this contest in Pasig called Mutya Ng Pasig, Binibining Santolan back in 2001 and then one of the judges there was Mr. Oscar Peralta.
“He is a designer and best friend niya si Archie Ilagan who became my manager. And then he made me audition sa ABS-CBN Talent Center pa nu’ng time na ‘yun. Hindi pa Star Magic.
“Nakasakay ko sa elevator si Ms. Mariole Alberto (ng Star Magic) and she asked me if I wanted to audition and the rest is history,” lahad ni Bea.
Kino-consider naman niyang super special ang pelikulang “Four Sisters and A Wedding” kung saan nakasama niya sina Toni Gonzaga, Angel Locsin, Shaina Magdayao, Enchong Dee at Coney Reyes.
“This is a special project for me because it like became a cult favorite. Hanggang ngayon maraming memes about it. Parang most memeable yata na pelikula ito,” aniya.
“Sa totoo lang, at that time, we didn’t know it would be this big, bakit ngayon nagkaroon na ng Four Sisters Before The Wedding, the prequel of ‘Four Sisters and a Wedding,'” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.