NALUHA at natulala ang mga magulang ng internet sensation na si Mimiyuuuh nang makita ang sorpresang regalo sa kanila ng anak.
Isa na namang hiling ng social media influencer ang natupad matapos mabili ang pangarap na sasakyan para sa kanyang pamilya.
Sa kanyang latest YouTube vlog, ibinahagi ni Mimiyuuuh kung paano niya binili ang bago nilang van at ang naging reaksyon ng nanay at tatay niya nang makita na ang sasakyan sa garahe nila.
Sey ni Mimiyuuuh, ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng sariling sasakyan kaya naman makikita sa video ang pagkabigla ng tatay niya na hindi napigilan ang maiyak.
Ayon sa sikat na YouTuber, tinulungan siya ng kanyang mga kapatid sa inihanda niyang pa-surprise na siya ring nag-video ng mga kaganapan.
Aniya, “Gusto ko lang din maging comfortable ang kanilang pagta-travel. Kaya tamang-tama ito sa aming lahat.
“Ito po ang first time ever na kaming family na magkaroon ng car, so super special nitong araw na ito sa amin. The comfort na kailangan ng parents ko, nabigay ko na,” chika pa ni Mimiyuuuh.
Nang makita na nga ng tatay niya ang van, hindi na nito alam ang gagawin. Labas-pasok na ito sa bahay at nagpapahid ng mata.
Dialogue ni Mimi, “Ba’t ka naiyak, Tatay? Hala, si Tatay naiyak! Halika na, i-test drive na natin.”
Sey pa ng vlogger, “They’ve been working really hard since day one and it’s about time na parang laid back na lang silang ganyan sa car. ‘Oooh is that a goat?’ ‘Yes mom that’s a goat.’ ’Di ba?”
Nagbigay din siya ng mensahe para sa kanyang supporters at YT subscribers, “I’m so proud of myself! If you are watching right now and ito ang dream mo, you is just getting there.
“Don’t stop striving because you that b*tch. You know what I’m sayin’? You gonna skrrt skrrt on that wheels really soon, so let’s get it!” aniya pa.
Kung matatandaan, sa isang panayam sinabi ni Mimiyuuuh na ang sarap sa pakiramdam na nadadala na niya ngayon sa mga sosyal na restaurant ang kanyang pamilya.
At yan nga ay dahil sa laki ng kinikita niya bilang vlogger hanggang sa maging product endorser na siya at sumikat as socmed influencer.
“Hindi ko naman pinagmamayabang. Dati, hindi mo ‘to ma-afford. Ngayon, titingin ka lang sa resibo, ‘Sige po, card na lang.’ Parang hindi ka magdadalawang-isip na, ‘Sh*t, ang mahal.’
“Iba po talaga ‘yung joy kapag nabibigay mo talaga ‘yung wants and needs ng family,” pahayag pa ni Mimi na nakapagpundar na rin ng sarili nilang bahay.