Tim Yap bumuwelta sa chikang may nag-positive sa Baguio party: Fake news, everyone in the group is negative

TOTOO ba ang kumakalat na chika na may mga dumalo sa 44th birthday party ni Tim Yap sa Baguio City na tinamaan umano ng COVID-19?

Yan ang usap-usapan ngayon sa social media kaya naman may mga nangnenega pa rin sa TV host-eventologist na nag-ugat nga birthday celebration niya sa The Manor at Camp John Hay sa Baguio kamakailan lamang.

Ayon sa ulat, mahigit 30 raw ang dumating na bisita sa selebrasyon ni Tim, kabilang na nga ang aktres na si KC Concepcion na humingi na rin ng paumanhin sa naging paglabag nila sa COVID-19 health protocols.

Nauna nang nag-sorry si Tim sa madlang pipol kaugnay ng kontrobersya at nagmulta na rin sa mga kinauukulan matapos mapatunayan ang kanilang pagkukulang sa ginanap na event.

“It was never my intention to offend anyone. I would never do anything na makaka-endanger kahit sinuman. And siyempre kapag lahat kayo negative, you feel safe with each other,” paliwanag niya.

Sabi pa ni Tim, ang mga taong dumalo sa party niya ay sumailalim sa RT-PCR test at nagnegatibo lahat sa virus.

Samantala, sinagot naman ng TV host ang isang netizen na tumawag sa kanya ng “irresponsible” dahil sa ginawa nilang selebrasyon sa gitna ng pandemya.

“How irresponsible. You guys throw a party, and based on the tea I’ve heard people were infected and you guys are keeping it hush hush. Entitled celebrities and ‘influencers’,” comment ng netizen.

Sagot naman sa kanya ni Tim “fake news” ang nakarating na balita sa kanya. Ang totoo raw, “negative” sa COVID-19 ang lahat ng dumalo sa dinner party niya kaya huwag daw basta-basta maniniwala sa mga nababasa o napapanood nila sa social media.

“The tea is fake news. I hope you don’t base your truth thru an anonymous post. Everyone in the group is negative. That is fact,” pahayag ng TV host.

* * *

Kasabay nito, nag-sorry na rin si KC Concepcion sa publiko matapos ireklamo ang pa-party ng kaibigan niyang si Tim Yap.

“I personally apologize for not having kept my mask on 100% of the time during a gathering.

“It has been 2 weeks since then and I hope we can move forward with lessons learned about safety protocols indoors or outdoors when in a crowd. I understand the panic. And I would react in a similar way,” ang mensaheng ipinost niya sa social media.

Nauna nga rito, nag-post din siya ng mahabang message tungkol sa nasabing issue. Sey ng dalaga, “From now on, even if we all test PCR negative, I will mask up anytime I’m in a crowd, for extra safety.

“I hope we all remind each other to do so, too. Let’s learn (& relearn) the safety precautions the gov has put in place for us, so we can take care of each other. Love to all.”

Patuloy pa niya, “Nobody is perfect, revenge travel is TRULY a thing, and in as much as we would like to break free from chains and restrictions to try and keep sane, no.

“We need to travel more responsibly. We need to gather more responsibly. Stay focused and patient. We can get through this together.

“In the meantime, we should take care of our mental health, always, as much as the physical, no matter what.

“Find things that make you happy. Rest when your mind and body need it. Eat healthy, be active, stay alert,” ani KC.

“As I’ve learned, we can connect with each other and love each other, while still being extra careful for ourselves and one another.

“I let my guard down for 5 minutes- while I was vigilant 99% of the time, 99% is not enough. Take care out there everyone. We have a long way to go. Tomorrow is a new day,” paalala pa ng dalaga.

Read more...