“26 years. 62 wins. 39 KOs. 12 major world titles…” bahagi yan ng ginawang pagbabalik-tanaw ng Pambansang Kamao at senador na si Manny Pacquiao sa naging buhay niya bilang boksingero.
Hindi lang ang Pilipinas ang nagbubunyi kapag nananalo si Pacman sa kanyang mga laban kundi buong universe ay nagpipiyesta sa bawat tagumpay na kanyang naiuuwi para sa sambayanang Filipino
“I had to punch my way to victory every time. Before that, I had to train. More days than that, bugbog ako,” ang pag-alala pa ni Sen. Pacquiao sa 26 taon niya bilang professional boxer.
Alam naman ng buong mundo ang mala-Cinderella Man na kuwento ng buhay ni Pacquiao. Ilang beses na rin itong naging paksa sa kanyang mga interview, at naging pelikula na rin, kung saan ikinukuwento niya ang hirap ng kanilang buhay habang lumalaki at nagkakaisip siya sa General Santos City.
Unang nagpakita ng interes sa boxing si Pacquiao dahil sa sa premyong nagkakahalaga ng P50. Nang mga panahong iyon, ang kilo ng bigas ay nasa P6 pa lamang. Ito ang naging motivation ng senador para magsumikap at makatulong sa gastusin ng kanilang pamilya.
Isang tiyuhin ang nagpaliwanag sa kanya noon ng tungkol sa pagboboksing, “Wala talaga akong alam sa boxing. ‘Yung uncle ko ang nagsabi sa akin na boxing ‘yun na may world champion, may Philippine champion.
“Pinapanood namin ‘yung laban ni Mike Tyson noong araw. Sabi sa akin, ‘Ano kaya maging ganyan ka, may belt ka rin, makilala ka. Mag-champion ka sa buong mundo,’” kuwento pa niya na nagkatotoo nga!
At in fairness, hindi lang mga sikat na celebrities sa Pilipinas ang naging tagahanga niya, kundi maging Hollywood stars at international athletes.
Ang kanyang tagumpay ay nagbigay ng hindi matatawarang karangalan sa bansa. Banggitin mo lang ang pangalang “Pacman” sa sinumang foreigner na makakausap mo at alam na niya na ikaw ay nagmula sa Pilipinas.
Hindi nga biro ang haba ng taon na tinakbo ng karera ni Pacquiao. Mas lalong hindi biro ang hirap ng training at sakit ng katawan niya sa tuwing tutungtong siya sa loob ng boxing ring.
Pero paano ba nagawa at patuloy na ginagawa ni Pacquiao ang lahat ng ito? Isang tanong na sinagot din Pacquiao sa kanyang social media post.
“My secret is speed, in my punches and pain recovery. Most of all, it’s my family and friends, my fans, my coach and team, and my partner sa pananakit ng katawan (Alaxan FR), kasama ko sa laban since 1995,” aniya.
Nakakatuwang isipin na hindi nakakalimutan ni Pacquiao ang mga tumulong sa kanya sa simula pa lang ng kanyang karera. Kabilang na riyan ang Alaxan FR na gawa ng Unilab, Inc., na panlaban sa sakit ng katawan.
Kaya sobrang relatable ang katagang #LabanLang na kasama sa post ni Pacquiao. Bukod sa ito ang tagline ng nasabing brand, ito rin ang kanyang mantra sa kanyang mga pinagdaanan.
Masasabing si Pacman ay animo ng isang mandirigma na marami nang inaning tagumpay sa mga hamon ng buhay.
Speaking of hamon, wala pa ring opisyal na anunsiyo tungkol sa pinag-uusapang laban ni Pacquiao kay Conor McGregor ngunit marami na ang nag-aabang nito.
Huling laban ni Pacman ay noong Hulyo, 2020 kay Keith Thurman kung saan naiuwi niya ang WBA welterweight crown.
Nito namang Enero 25 ay may lumabas na balita tungkol sa posibleng laban kontra sa Amerikanong si Ryan Garcia.
Bukod nga sa muling pagsabak loob ng ring, inaantabayan din ng madlang pipol ang magiging desisyon ng senador kung tatakbo ba siya sa mas mataas na posisyon pagdating ng 2022. Abangan!