Glaiza tinulungan ni Willie para makapunta ng Ireland; Royce Cabrera hahataw sa GMA ngayong 2021

WAGAS ang pasasalamat ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa TV host-comedian na si Willie Revillame.

Isa pala si Willie sa mga tumulong sa aktres para makabiyahe patungong Ireland nitong nagdaang Disyembre para doon mag-celebrate ng holiday season kasama ang boyfriend na si David Rainey.

Nakilala at nakasama rin doon ng dalaga ang mga magulang ni David. Pero ang talagang highlight ng Ireland trip ni Glaiza ay ang pagpo-propose sa kanya ng dyowa noong bisperas ng Pasko.

Sa episode ng “Wowowin” kamakalawa ng gabi, kung saan patuloy na ipinagdiwang ng programa ang 60th birthday ni Willie, nagbigay ng message si Glaiza.

Nabanggit nga rito ni Glaiza na isa sa mga taong malaki ang naitulong sa kanya para makapunta ng Ireland at makabalik uli ng Pilipinas nang walang gaanong problema ay si Willie.

Nag-record si Glaiza ng video habang naka-quarantine sa isang lugar na ipinalabas nga sa “Wowowin”. Aniya, “Hi Kuya Wil! Belated happy birthday, naka-uwi na po ako ng Pilipinas at ngayon po ay nagkuwa-quarantine na po ako.

“Gusto ko lang po magpasalamat sa inyo, again sa pag-support niyo po sa akin sa pagpunta ko po ng Ireland at sa pagtulong n’yo rin sa akin.

“Talagang napakumportable po ng journey ko papunta at pabalik ng Pilipinas, so maraming-maraming salamat po and sana po patuloy pa kayo i-bless.

“At maraming-marami blessings pa ang dumating sa inyo. Thank you po and happy birthday,” pahayag ni Glaiza.

Samantala, sa lahat naman ng tagasuporta ng Kapuso actress-singer kung ngayong taon na ba sila magpapakasal ni David, mukhang wala pang napagdedesisyunan ang magdyowa.

“Definitely hindi pa sa 2021 pero baka after na po. We’re still taking our time. Hindi naman kami masyadong nagmamadali especially may mga work pa na nag-aantay na.

“Actually pag-uwi ko ng Philippines, mga ilang araw may gagawin na po akong bagong project,” pahayag ni Glaiza.

* * *

Maraming dapat abangan ang fans ng Kapuso hunk na si Royce Cabrera.

Malapit na siyang mapanood sa third installment ng GMA Public Affairs fantasy romance-anthology series na “My Fantastic Pag-ibig” with Ella Cristofani at sa TV adaptation ng ’80s classic film na “Nagbabagang Luha” kung saan makakasama naman niya sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz. Mayroon din siyang kabi-kabilang guestings sa iba’t ibang Kapuso shows.

Samantala, graduate pala ng Bachelor of Science in Construction Engineering and Management sa Mapua University si Royce kaya naman ibinahagi niyang pangarap niyang magkaroon ng isang construction business.

“Kasi minsan kapag may itinatayo ring mga bahay, kunwari mga friends ko, or ito sa bahay, nagtatanong sila Mama, nababalik-tanaw ko ‘yung mga pinag-aralan ko. Nakaka-miss rin kasi gusto ko rin ‘yung course na inaral ko, e.

“So, baka, baka, kapag nakapag-ipon tayo ng malaki-laki. Baka ‘yung business na i-invest ko, malapit sa tinapos ko para hindi na lumayo,” kuwento niya.

Read more...