‘Ang bastos mo Aiko!’ — Ogie Diaz

“MAGBIGAY ka ng pangalan ng isang artista na nakarelasyon mo dati!” ang hamon ni Aiko Melendez sa talent manager-comedian na si Ogie Diaz.

Sa isang vlog sa YouTube ng premyadong Kapuso actress, binato niya ng ilang kontrobersyal na tanong si Ogie bilang bahagi ng kanilang “Truth or Dare” challenge.

Ang naging kasunduan ng magkaibigan, kung hindi kayang sagutin ang question ay magbibigay ng dare at kung hindi magagawa ang challenge kailangang magbayad ng P10,000.

At isa nga sa hamon ni Aiko ay pangalanan ng manager ni Liza Soberano ang isang lalaking artista na naging dyowa niya noon.

“Oh, mother Ogie, kailangan mag-name ka sakin ng isa, isang tao lang na artista na karelasyon mo dati. Meaning, kung hindi karelasyon, it doesn’t have to be ‘yung talagang affair or ‘yung relasyon talaga. ‘Yung nagkaroon ka lang ng intimacy,” hirit ni Aiko.

Sagot ni Ogie sa kanya, “Babae ba ‘to, pre?” Na sinagot naman ni Aiko ng, “Hindi, lalaki pare. Isa lang. Dati lang naman ‘to.”

“Papangalanan ko?” tanong uli ni Ogie kay Aiko, sabay sabing, “Si… nagsisimula sa capital letter.”

Hindi maibigay ni Ogie ang pangalan ng male celebrity kaya sey ni Aiko, “Sino nga? Ano, dare na lang?”

Tugon ni Ogie, “Dare, dare na lang. Kawawa naman ‘yung tao.”

“Bakit naman kawawa kung nagmahalan naman kayo dati?” sabi ng aktres. Tugon naman ng talent manager, “E, hindi naman kami nagmahal, hindi naman kami ‘yung sobrang relasyon. Hindi naman.”

“Ano ‘yon nagtikiman, lang?” hirit uli ni Aiko. Kaya ang bwelta sa kanya ni Ogie, “Ang bastos mo, Aiko.”

Diin ni Ogie, “Nakaraan pa ‘yun. Ang tatanda na nila.”

“Nakatrabaho ba natin ‘to? Sa movie? Oh my God, sa movie, ‘yung magkasama tayo? Kasi lahat ng movies mo, mostly nasa akin,” pag-alala naman ng aktres.

Sagot ni Ogie, “Oh, ano ‘to? Truth na ba hinihingi mo o dare? Dare!”

* * *

Tagisan ng husay sa pag-arte sina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado sa inaabangang eksena noong Miyerkules ng gabi.

Hot topic sa social media ang pagmamakaawa at pagluhod ni Ellice (Iza Calzado) kay Marissa (Jodi Sta. Maria) at pakikipagkasundo nito para maisalba ang buhay ng kanyang anak na si Hope (Kira Balinger) sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Puring-puri ang mga sumusubaybay sa palabas at marami ang naka-relate sa mga naramdaman ng mga bida lalo na ang ginawa ni Ellice na pagpayag sa lahat ng hiniling ni Jodi para sa kanyang anak, kahit gaano kasakit ang pagbigay ng kalahating porsiento ng kanyang pag-aari sa Cenidoza.

“I admire Ellice @MissIzaCalzado! That is the best example of an unconditional love from a mother. You’ll drop everything for the sake of your family. Your daughter! She even ready to give up her pride. I love how she portray Ellice character. #ASIAAagreement,” tweet ni @JanKeerbee.

“Mother will do everything for her child, indeed!!! #ASIAAagreement @Kbalinger @MissIzaCalzado,” sabi ni @Akiyaaaah.

Ani @Josie45276587, “Kawawa naman si Ellice. She will do what it takes for the love of Hope.”

Sa kagustuhan nitong tulungan si Hope, nagpatest si Jake (Grae Fernandez) nang patakas sa ospital at doon nalaman na compatabile sila ni Hope (Kira Balinger).

Dahil natuklasan na nito ni Marissa, malaking kapalit ang hiningi nito sa kaaway.

Hindi pa nakuntento si Marissa dito dahil gusto niya ring pumirma si Ellice sa isang non-disclosure agreement na kung hindi masusunod ng huli, makukuha ng una ang lahat ng shares nito sa Cenidoza.

Tumupad kaya si Ellice sa non-disclosure agreement at hindi sabihin ito sa kahit sinoman? Maging successful kaya ang operasyon ni Hope?

Patuloy na panoorin ang “Ang Sa Iyo Ay Akin,” gabi-gabi, 8:40 p.m. sa A2Z channel.

Read more...