Kathryn miss na miss nang makapag-travel kasama si Daniel; kakaririn ang dream house ngayong 2021

MISS na miss na ni Kathryn Bernardo ang mag-travel at magbakasyon sa iba’t ibang lugar kasama ang boyfriend na si Daniel Padilla.

Napa-throwback ang award-winning Kapamilya actress kamakailan kung saan inalala niya ang mga previous trips nila ni Daniel kasama ang kanilang mga pamilya.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kathryn ang ilang video kung saan makikita ang mga bonding moments nila ni DJ mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa caption na kanyang isinulat, inamin ng tinaguriang Queen of Hearts kung gaano na niya nami-miss ang makapagbakasyon uli sa ibang bansa.

“Sharing with you some never-before-posted travel videos from my phone. Wishing we could all travel freely again soon!

“There’s an unexplainable kind of joy every time we get to explore different cities, taste different cuisines, meet new people, and try new things—it’s definitely the best gift you could give yourself.

“I miss exploring the world with you, @supremo_dp!” pahayag ni Kathryn.

Ayon sa dalaga, kung mabibigyan ng chance at kapag pwede nang bumiyahe uli ang mga tao, una niyang pupuntahan ay ang favorite place nila ni DJ, ang Land of The Rising Sun — Japan!

“Yun yung country na kaya kong balik balikan kasi sobrang miss ko. Kaya pag na-lift na and puwede na mag-travel, Japan talaga agad yung ibu-book ko,” pahayag pa niya.

Kung matatandaan, almost two years ago, naging travel ambassadors of Japan ang KathNiel at ang huling pagbisita nila roon ay  noong January, 2020.

Tatlong araw lamang silang namalagi sa Tokyo kung saan nakapanood din sila ng concert ng Irish rock band na U2. Kaya naman aminado sina Daniel at Kathryn na bitin na bitin ang kanilang pagbisita sa Japan.

Samantala, sa isang panayam, umaasa ang Box-Office Queen na mas magiging maayos at positibo na ang 2021 para sa lahat ng Filipino.

“Negativity! Also, the virus, pandemic. We all want to leave that behind, pero sumasama parin siya sa 2021,” ang ilan sa mga nais niyang mawala na ngayong taon.

“Gusto ko lang maging smooth yung 2021, full of good energy and good vibes kasi na-aaffect lahat kapag negative yung vibe ng environment,” sey pa ng dalaga sa isang panayam.

Wish din ng aktres na magkaroon ng mas maraming project this year para sa matapos na nila ang pagpapatayo sa dream house niya para sa pamilya.

“Yes, ang daming na-achieve, pero of course marami pa ring kailangang trabahuhin. For this year, my goal is to continue being busy, na sana magtuloy-tuloy yung work, para tuloy-tuloy na mapagawa yung bahay,” aniya pa.

“Ang dami pa ring dream investments na kailangan ko pang trabahuhin, but my priority now is to be financially ready since hindi lang basta-basta ang magpagawa ng bahay. My number one priority is basically to finish our house,” diin pa ng dalaga.

Read more...