KUNG may isang bagay na kinatatakutan ang Kapuso actress na si Heart Evangelista, yan ay ang mamatay nang mag-isa.
Inamin yan ng aktres at fashion icon sa pa-Q&A session niya sa kanyang mga Instagram followers kung saan sinagot niya ang ilang kontrobersyal na katanungan mula sa netizens.
Kuwento ni Heart, isa ang asawa niyang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa mga taong nagpapatatag at nagpapatapang sa kanya sa pagharap sa mga challenges buhay.
Isang IG user ang nang-usisa kay Heart kung paano niya nasabi o naramdaman sa sarili niya na si Chiz na talaga ang “the one.”
Sagot ni Heart, “Pinaglaban niya ako. He was kind, supportive, understanding- loved unconditionally. He is my best friend.”
Tanong naman ng isa niyang IG follower, ano ang kanyang greatest fears, at dito na nga umamin ang Kapuso star na ang talagang kinatatakutan ay “to die alone.”
“My husband would always tell me to be strong. He doesn’t baby me whatsoever because he would tell me he would go first, feel like crying every time he says that.
“I know I will one day die alone… it’s my biggest fear but I know by that time I will be happy with all the memories I have and I will be stronger to face that one moment.
“I also know for a fact that Panda promised me she will be there waiting for me so I won’t be scared,” pahayag ni Heart sabay dugtong ng, “One more fact heaven is real.”
Isa si Heart sa mga celebrities na hindi lang maganda, mayaman at matulungin, talagang matalino rin siya kaya maraming netizens ang nanghihingi ng payo sa kanya tungkol sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
Ilang beses na siyang nagbigay ng love advice sa kanyang fans sa pamamagitan ng kanyang vlogs sa YouTube dahil talaga namang napakarami na rin niyang pinagdaanan pagdating sa usaping pag-ibig.
Tulad na lang ng payo niya kung paano haharapin at lalabanan ang heartbreak — ang laging sinasabi ni Heart, “God always has a plan B and letting go would be the best option.”
“Magparaya ka kung mahal mo talaga siya. You would want him to be happy even if hindi kayo,” aniya pa.
Naniniwala rin siya na kung walang lakas ng loob ang isang tao na kumawala o tumakas sa isang toxic relationship, okay lang na manatili muna sa relasyon at ibigay pa rin ang lahat-lahat hanggang sa maubos ka na.
“Mapapagod ka rin dear. Buhos mo pa para paggising mo wala na,” ang totoong-totoong payo pa ni Heart.