JC Alcantara tinuksu-tukso si Tony Labrusca: Baka naman…i-kiss mo na ako, ang dami nang nag-aabang

NGAYON pa lang ay abangers na ang mga tagasuporta ng loveteam nina Tony Labrusca at JC Alcantara sa BL (Boys Love) film na “Hello Stranger: The Movie.”

Sumikat nang bonggang-bongga ang tandem ng dalawang young actor sa BL digital series na “Hello Stranger” na halos tatlong buwang inabangan ng mga manonood last year.

Ayon kay JC, napakalaki ng utang na loob niya sa production ng “Hello Stranger” dahil ito talaga ang nagbigay ng swerte sa kanya at naging daan para unti-unti siyang makilala sa showbiz.

“Ako po, sobrang grateful ko. Ito ang kauna-unahang kong lead as Mico. First movie ko ito kaya sobrang grateful ko na binigyan ng chance ng chance ang LGBTQI+ na ipalabas ang BL bilang Valentine’s offering,” pahayag ni JC sa ginanap na virtual mediacon ng “Hello Stranger: The Movie” na ipalalabas na ngayong Valentine month.

Sa movie, gaganap si JC bilang si Mico na isang nerdy guy na mai-in love sa basketball player na si Xavier (Tony).

“Hindi talaga kami close (ni Tony) before from Hello Stranger the series. Hindi namin pinaghandaan ang chemistry namin. Kapag magkasama talaga kami, parang nag-iiba ang character ko as Mico.

“As JC, parang kapag kasama ko si Tony, parang hindi ako. Saka nagkuwentuhan kami, getting to know each other kapag magkasama kami sa set para mas makilala namin ang isa’t isa,” chika pa ni JC.

Kinarir daw talaga niya ang pag-aaral sa karakter niya sa movie, “Talagang inaral ko si Mico. Kumbaga, kailangang pagbutihan ko.”

Natanong din ang binata kung magkakaroon din ba sila ni Tony ng kissing scene sa movie tulad ng mga bidang lalaki sa halos lahat ng BL series and movies.

“Kasi sa mga BL series ako ang palagi ang tina-tag. Tapos ‘yung picture ko ‘yung umiiyak ako. Lahat ng BL series nag-kiss na, kaming dalawa lang ni Tony (ang hindi).

“Tony, baka naman…i-kiss mo na ako. I-kiss mo na ako. Ang dami nang nag-aabang na fans natin. Ha-hahaha! Basta abangan n’yo na lang po,” natatawa pang sabi ni JC.

Makakasama rin sa pelikula sina Vivoree, Gillian Vicencio, Patrick Quiroz, Miguel Almendras, Jin Macapagal, Jae Miranda at Markus Paterson.

Ang “Hello Stranger: The Movie” ay sa direksyon Dwein Ruedas Baltazar, mula sa ABS-CBN Films/Black Sheep at maaari nang mapanood sa Feb. 12 sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV, Cignal PPV, at Sky PPV. Distributed by Cinexpress, tickets are available at an early bird price of P150 from Jan. 20 to Feb. 11, and P200 on Feb  12 onwards.

A digital premiere night will be held on Feb. 11 at KTX.ph. Tickets for this event are available for P200.

Read more...