“THE peanut butter to my jelly” kung ituring ni Kim de Leon ang kanyang leading lady na si Lexi Gonzales sa bagong fantasy-romance anthology series ng GMA News TV na “My Fantastic Pag-ibig.”
Sina Kim at Lexi ang bibida sa first installment ng “MFP” na may titulong “Love Wars.”
“As love team partner, I guess she’s the peanut butter to my jelly. I love working with her, nakikita ko naman na kumportable na kami sa isa’t isa as a love team. Si Lexi nakakasama ko na on-cam and off-cam.
“StarStruck pa lang we’re good friends na kaya there’s no awkwardness at all. Hindi ako nahirapan na makatrabaho siya,” ani Kim sa interview ng GMA.
Bukod dito, mahusay na aktres din daw si Lexi, “In fact, natutulungan niya ako sa mga eksena at she’s very good. Magaling siya umarte. Very professional kaya I love working with her.”
Ang “Love Wars” ay tungkol sa isang kupido at dating app developer. Nangangamba ang mga kupido na maraming tao ang magiging broken-hearted at mawawalan ng paniniwala sa true love dahil sa dating app na “MatchMaker.”
Kaya naman ang magiging misyon ni Milos/Pido (Kim) ay isabotahe ang tagumpay ng dating app. Magpapanggap siyang intern at mag-a-apply sa kumpanyang humahawak sa “MatchMaker.” Doon ay makikilala niya ang charming na developer nito na si Lovelyn (Lexi).
Bukod kina Kim at Lexi, kabilang din sa cast sina Rodjun Cruz, Divine Aucina, Maey Bautista at Mike Liwag. Mula sa direksyon ni Michael Christian Cardoz, abangan ang fantasy-romance anthology na handa nang maghatid ng kilig at saya simula Jan. 30, 7:45 p.m. sa GMA News TV.
* * *
Ilang tulog na lang at love month na! Papalapit na rin ang pagsisimula ng bagong kakikiligang GMA Public Affairs rom-com series na “Owe My Love” tampok ang tambalang #SenMig nina Lovi Poe at Benjamin Alves.
Gaganap bilang sina Pacencia “Sensen” Guipit at Doc Migs Alcancia sa serye sina Lovi at Benjamin. Bukod sa kilig ay marami rin daw matutunan sa upcoming GMA Telebabad series na ito pagdating sa pag-handle ng pera at financial literacy.
Kabilang din sa mga aabangan sa Kapuso romcom series na ito ang tandem nina Jon Gutierrez at Jelai Andres at sina Kiray Celis at Buboy Villar. Siguradong tututukan din ang laugh trip na duo ng “utang-in-tandem” na sina Divine Tetay at Terry Gian.
Magsisimula na ang “Owe My Love” sa GMA Telebabad ngayong Feb. 15.