Kean, Chynna OK na sa 2 anak; ayaw nang magka-baby No. 3

KUNG sila ang tatanungin at masusunod, keribels na para sa celebrity couple na sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano ang dalawang anak.

Yan ang napagkasunduan nila habang bumibilang na ng taon ang kanilang relasyon bilang mag-asawa sa piling ng mga dyunakis nilang sina Stellar at Salem.

Feeling ng mag-asawa sapat na sa kanila ang dalawang bata sa bahay para mas marami pa rin silang magawa aside their family life, kabilang na riyan ang pagpapalawak pa ng kanilang sariling record label na OC Records.

Ngayong 2021, plano nina Kean at Chynna na simulan na ang ultimate goal nila para gawing full-blown entertainment company ang OC Records. Bukod sa pagma-manage ng artists papasukin na rin nila ang pagpo-produce, pagdi-distribute, pagla-license ng music pati ang pag-o-organize ng events.

Kuwento ni Chynna sa panayam ng GMA, “It’s so overwhelming at times because being a mom is demanding as you know. If there’s a mom here you’d know how I feel.

“But then of course you have to balance things. You have an artist-husband, you’re a muse to him, then after that, you’re working in a label with so many artists with conflicting egos and everything.

“So what I do is I just soldier on, you know. That’s what I do. I voice out all energies, good and bad. My team knows this. I’m transparent with them. If I’m pissed, I’m pissed, I’ll cry it out. I’m happy, I’m super happy.

“This is just how I get through it, ‘no to be able to get that balance that we need for the artists and also working as a team. And so far, we haven’t filed for divorce or annulment, so I guess that’s a good thing,” dire-diretsong chika ng Kapuso TV host-actress.

Sey naman ni Kean, sa panahon ngayon, triple talaga dapat ang effort para mag-work ang married life at partnership, “As much as gusto mong iwan ‘yung trabaho sa trabaho, madadala at madadala mo siya sa bahay eh lalo na ngayon ‘di ba na parang lagi lang kaming nasa bahay.

“So parang I think ‘yun ‘yung isa sa parang challenging part kasi kahit gusto lang namin mag-relax or gusto namin manood ng TV, biglang ‘Wait, anong tingin mo sa release natin ng ganito na artist? Ano ‘yung plano natin sa event na ganito?’

“Parang ganyan, parang napaghahalo talaga but I’m just really happy na meron akong asawa na maiintindihan din ‘yung kumbaga parehas kaming nasa creative field. So kumbaga, I think alam naman namin ‘yung pinasok namin and alam namin ‘to.

“And ako kasi, this is what I want to do for the rest of my life, entertainment, music. So etong recording label naman na ‘to, alam ko na eventually mapa-pass on din namin siya sa mga anak namin so that’s why we’re grinding and working hard now, parang kumbaga ma-mount namin ‘tong company na ‘to na kumbaga with intergrity and kumbaga maayos ‘yung projection namin sa mundo,” tuluy-tuloy ding pahayag ng singer-actor.

Tungkol naman sa plano nila ngayong darating na Valentine’s Day, si Kean ang unang sumagot, “Hindi kami masyadong engrande na ‘Sige, celebrate tayo ng ganyan.’ Basta magkasama kami, bigyan ko ng masahe, kumain lang kami nang maayos, okay na kami. Parang ganu’n.”

Sey naman ni Chynna, “Basta ‘yung hashtag namin nu’ng nagpakasal kami, pretty much that’s how we are as a couple.

We say, ’til death we do art. So we carry that sa lahat ng ginagawa namin pati sa record label. So we’re gonna keep doing this until you know, ma-permit kami.”

Hirit pa ni Kean, “Kung ako tatanungin, gusto ko sana sa Valentine’s mag-cuddle lang kami pero ‘yung mga bata nandyan.” Na sinegundahan naman ni Chynna ng, “That’s not yet possible at the moment, guys.”

Sa huli, nabanggit nga ng mag-asawa na okay na sila sa dalawang anak nilang sina Stellar at Salem kaya mukhang imposible pa sa ngayon na magkaroon sila ng baby number three.

Read more...