SINAGOT ng model at dating “Eat Bulaga” Dabarkads na si Cindy Kurleto ang tanong ng isang netizen kung totoong naging boyfriend niya si Bossing Vic Sotto.
Nagkaroon ng Q&A session ang dati ring aktres sa kanyang Instagram Story at game na game na nireplayan ang ilang kontrobersyal question mula sa kanyang IG followers.
Kabilang nga sa mga natanggap niyang tanong ay ang chika noon tungkol sa kanila ni Bossing at sa past relationship nila ng award-winning actor na si Jericho Rosales.
Diretsong tanong ng isang netizen, “Is it true that Vic Sotto courted you?”
Nag-post si Cindy ng litrato nila ng TV host-comedian na kuha sa isang episode noon ng “Eat Bulaga” kung saan isa na siya sa mga host at isa pang photo mula naman sa guest appearance niya sa nasabing noontime show.
Caption ni Cindy, “No, Vic never courted me, I considered him a friend. We were both in happy relationships during the years we worked together.”
Sumunod dito, inamin ni Cindy na nagkaroon siya ng boyfriend mula sa showbiz, at yan nga ay si Jericho Rosales.
Ibinahagi rin niya ang litrato nila ni Echo at sinabing tumagal din sila ng halos dalawang taon.
Aniya pa, “Left him for the man who became the father of my children. Someone, somewhere will not like this post, but I’m not lying.”
Kung matatandaan, noong 2003, natsismis na si Cindy ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dating magka-loveteam on and off screen na sina Jericho at Kristine Hermosa.
Pero ngayon ay may kanya-kanya na nga silang buhay. May Kim Jones na si Echo, may Oyo Sotto na si Tintin at may sarili na ring buhay si Cindy.
Last year, ibinalita ni Cindy na balak na sana niyang manatili rito sa Pilipinas kasama ang pamilya matapos manirahan mg 10 taon sa Peru, “But Corona ruined our plans and for the sake of the kids schooling we relocated again six months ago.”