Xian na-trauma sa pag-atake ng Akyat Bahay Gang: We live in a very dangerous place…

HANGGANG ngayon ay nakararamdam pa rin ng takot ang actor-director na si Xian Lim matapos mabiktima ng Akyat-Bahay gang ang kanilang bahay ilang araw na ang nakararaan.

Inamin ng boyfriend ni Kim Chiu na nagkaroon talaga siya ng trauma dahil sa naganap na pagnanakaw sa bahay nila sa Antipolo kung saan natangay ang ilang mahahalaga nilang gamit.

Kaya naman mas triple na ngayon ang ginagawa nilang pag-iingat para hindi na maulit pa ang pagnanakaw sa kanila at para masiguro ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

Sa ginanap na virtual presscon kanina para sa bagong pelikula ni Xian na “Parang Kayo Pero Hindi” under Viva Films, inamin ng binata na nagdalawang-isip din siya kung isasapubliko ang pagnanakaw sa bahay nila.

“After it happened, I was really thinking if I should make it public or kung ikukuwento ko ba sa publiko.

“Sasabihin ko ba na nanakawan ako at pinasok yung bahay namin, and it took me a couple of days talking to my mom, talking to my lola and everyone?” simulang pahayag ni Xian nang matanong nga tungkol dito.

“I felt like it’s my responsibility as a public figure na ibahagi sa mga tao na to be more careful.

“Siyempre, nowadays, ang daming nangangailangan, and it’s actually an eye-opener na we live in a very dangerous place,” aniya pa.

Patuloy pa niyang kuwento, “I’m still pretty traumatized and I am still pretty scared. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari yun, e.

“I kinda just have to accept it. Pero ang hirap, e, it’s hard to accept yung nangyari.

“I don’t want to be too overly dramatic about it, pero my advice for everyone out there is just to be careful, extra careful tayo, lalo na sa panahon ngayon parang hindi mo masabi.

“Ang mentality natin ngayon is hindi ‘yan mangyayari sa akin, okey lang. Meron din naman kaming mga CCTV, yes nandiyan ‘yan.

“Yung bahay ko, para siyang ano, praning kasi akong tao, e, so the house is covered with metal bars, and papasukin talaga kayo kung gusto ng tao na pumasok. They will always find a way.

“So my advice is just be extra careful. I can go on for hours about this topic, pero just be extra careful especially now,” tuloy-tuloy pang lahad ni Xian.

Samantala, showing na sa Feb. 12 ang Valentine offering ng Viva na “Parang Kayo Pero Hindi”, isang digital series na mapapanood lang sa VivaMax. Makakasama ni Xian dito sina Kylie Verzosa at Marco Gumabao, sa direksyon ni RC Delos Reyes at sa panulat ni Noreen Capili.

Simula pa lang ng 2021 ay may magandang pasabog na agad ang VIVAMAX, ang one-stop entertainment hub para sa bawat Pilipino, dahil magsisimula na ang kanilang first Vivamax Original Series, ito ngang “Parang Kayo Pero Hindi”.

Hango sa bestselling book ni Noreen Capili, ang kwento ay iikot kay Joaquin (Xian) at Daphne (Kylie) na naging malapit sa isa’t isa pagkatapos magkakilala sa Pangasinan.

Ramdam nila na meron silang “connection”, ngunit pareho pa silang hindi handang pumasok sa isang relasyon. Kaya naman nag-desisyon sila na sumunod lang sa agos at tingan kung saan sila dadalhin ng kanilang “pagkakaibigan”.

Masaya lang ang kanilang relasyon, hanggang sa tuluyang mahulog si Joaquin kay Daphne. Ngunit ayaw ni Daphne na masira ang kung anumang meron sila, kaya tinanggihan niya si Joaquin.

At mas naging komplikado pa ang sitwasyon nang bumalik ang ex-boyfriend ni Daphne na si Robi (Marco) para suyuin siyang bumalik sa kanya.

Mapupuno si Joaquin at Daphne ng mga tanong at alinlangan habang inaalam nila kung ano nga bang relasyon ang meron sila at kung ano ang tunay nilang nararamdaman.

Ka-join din sa Vivamax Original Series na ito sina Phoebe Walker, Danita Paner, Francine Garcia, Gino Roque, Guji Lorenzana, CJ Jaravata at Yayo Aguila.

Ang VIVAMAX ay pwede nang madownload sa Google Play Store. Sa halagang P149, mapapanood mo na lahat — ang mga pelikulang Pinoy, TV series, dokumentaryo, music specials at higit sa lahat, ang Vivamax Originals.

Mag-download na ng VIVAMAX app ngayon, mag-register, at mag-subscribe. Maaari ring mapanood ang series sa www.vivamax.net.

Read more...