Iloilo City, 4G LTE ready na! Mga customers hinimok na kumuha na ng 5G-ready 4G LTE SIM – LIBRE

Good news sa mga taga-Iloilo City!

Dahil sa patuloy na pagpapalawak at pag-upgrade ng Globe ng mga teknolohiyang gamit nito,  4G LTE  ready na ang network nito sa lungsod.

Ibig sabihin, mas mabilis, malawak, kaaya-aya at sulit ang tawag, text at data browsing ng mga  customer sa Iloilo City dahil 4G LTE na ang Globe network sa lugar na ito.

“Mas panalo ang Globe customers kung naka-4G LTE na sila. Mas magandang serbisyo pa ang kanilang mararanasan gaya ng mas malinaw na mga tawag, tiyak ang dating ng text messages at mas mabilis na pag-upload, download o streaming ng mga paborito niyong show sa Netflix, YouTube at iba pang mga palabas sa internet. Patok din ito para sa mga nag-o-online classes at nag  work-from-home,” ayon kay Joel Agustin, Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group ng Globe.

Nuong 2020, nakapagpatayo ng bagong cell tower ang Globe sa Barangay Cahunan at kumpleto na ang mahigit 150 site upgrade nito sa iba’t-ibang lugar sa lungsod ng Iloilo.

Para maranasan ang ginhawang dala ng 4G LTE network, inaanyayahan ng Globe ang mga customers nito na gumagamit pa rin ng lumang 3G SIM na magpalit na sa mas bagong 4G LTE SIM. Libre o walang bayad ang magpalit ng lumang SIM card para sa 5G-ready 4G LTE SIM. Bukod pa rito, hindi mapapalitan ang mobile number ng mga customer kung gagamit ng bagong 4G LTE SIM. 

“Upang mararanasan ng aming customers ang malaking pagkakaiba ng 4G LTE technology, kailangan nilang palitan ang gamit na 3G SIM at kumuha ng 4G LTE SIM.  Ito ang SIM na compatible sa aming  bagong gamit na teknolohiya. Nararapat din baguhin na ang mga 3G mobile devices at kumuha ng  4G LTE device.” 

“Sayang naman kung hindi agad mapapakinabangan ng mga customers ang modernisasyon ng Globe sa Iloilo City. Madali naman magpalit at walang gagastusin ang mga customer para magkaroon ng bagong 5G-ready 4G LTE SIM card,” dagdag pa ni Agustin.

Bukod sa Iloilo City, nakatakda na rin maging 4G LTE ready ang Boracay sa Aklan; Bacolod City sa Negros Oriental; Davao City; Cagayan de Oro at Cebu City.

Para sa mga karagdagang impormasyon hinggil sa pag-upgrade ng SIM card, maaaring i-click ang:

https://www.globe.com.ph/help/mobile-internet/lte/faqs.html.

Para naman sa mga customer na nais i-upgrade ang kanilang mga mobile device, i-check online ang:  https://shop.globe.com.ph/devices/5g-mobile-phones  para malaman ang mga available at abot-kayang 4G/LTE and 5G device mula sa Globe.

Naglatag ang Globe ng tatlong istratehiya upang mapaganda ang internet services nito sa bansa.  Kasama na dito ang paggamit ng mas makabagong teknolohiya tulad ng 5G at 4G LTE, ang pagpapalawak ng fiber to homes at mas agresibong pagpapatayo ng bagong cell towers. Layunin ng Globe na magkaroon ang lahat ng customers nito ng consistent at magandang internet experience sa lalong madaling panahon. 

 Suportado ng  Globe ang pagsusulong ng 10 United Nations Global Compact Principles at 10  United Nations Sustainable Development Goals (UNSDG), lalong lalo na sa UNSDG goal number 9 na nagbibigay ng  importansya sa papel na ginagampanan ng mga imprastraktura at mga makabagong pamamaraan para sa pag usbong at pag unlad ng mga ekonomiya sa buong mundo.

Read more...