ASAR-TALO si Xian Lim sa pagtawag sa kanya ng “Tito level” dahil sa pagiging konserbatibo pagdating sa pakikipagrelasyon.
Natanong kasi ang aktor sa virtual mediacon ng digital series nilang “Parang Kayo, Pero Hindi” kung pabor ba siya sa relasyong walang label.
“Hindi kasi ako open sa ganu’n, ako kasi, very old fashioned ako na tao, so, even ‘yung mentality ko sobrang parang pang-80’s,” ani Xian sabay tawa.
“So, having a no label or even ‘yung nauuso na parang we’re cooling off or parang on a break at the moment na sinasabi ng mga couples hindi ako naniniwala sa ganyan, either you’re in or you’re out. Kung baga sa relationship, I strongly believe dapat may label,” esplika pa ng aktor.
Tama naman, pabor din kami sa sinabi ni Xian na dapat lahat ng relasyon may label hindi ‘yung parang kayo, pero hindi naman pala.
Anyway, tinawag na “Tito Xian” ni Marco Gumabao ang co-actor nang tanungin siya kung may daring scenes siya sa “Parang Kayo, Pero Hindi.”.“Wala po, topless-topless lang, sa daring scenes, ibigay natin kay tito Xian. Ha-hahaha!” biro ni Marco.
Pumalag naman siyempre ang boyfriend ni Kim Chiu, “Grabe sila sa akin, nananawagan po ako sa lahat, ‘wag n’yo pong gamitin ang ‘tito’, Xian lang. Makikiusap po ako.”
Natanong din ang aktor kung may plano na ba siyang i-level up ang relasyon nila ni Kim dahil ang daming na-engage, ang daming ikinasal at nabuntis sa panahon ng pandemic.
“Maraming nagtatanong sa amin regarding that pero matagal pa ako, eh. Matagal pa kami, I think there are so many things that we want to accomplish and marami pa kaming gustong gawin and I think wala pa sa time. Hindi pa namin or even talking about it, hindi namin napag-uusapan, matagal pa po,” diretsong sagot ng aktor.
Samantala, may experience ba si Xian na naging “stopover” lang siya sa isang relasyon at hindi naging “destination” o sa madaling salita pinaasa siya ng exes niya at kung nagpaasa rin siya.
“Definitely yes as we are talking about the pass, I’ve had a relationship na parang really bad ones and huge question mark na parang ‘what am I doing with my life kind of thing.’
“Pero ang lesson o baon na naibigay sa akin, is yes you will have this really bad types of relationship pero it’s actually parang arrow, I look at it as pulling you back to launch you to that perfect someone, di ba? So, if you’re in bad relationshop now, maybe it’s not meant to be and the right one will come for you,” paliwanag ng aktor.
Makakasama nina Xian, Marco at Kylie Versoza sa “Parang Kayo, Pero Hindi” sina Phoebe Walker, Danita Paner, Francine Garcia, Gino Roque, Guji Lorenzana, CJ Jaravata at Yayo Aguila.
Ipakikilala rin ng VIVA sa series na ito ang kanilang mga fresh talent na sina Krissha Viaje, Stacey Gabriel at Thayfa Yousef.
Ang mga eksena sa series na ito ay kinunan sa iba’t ibang lugar at mga beach sa Alaminos at Bolinao, Pangasinan kaya naman meron itong cool at local vibe na siya ring nagpapaganda sa bawat eksena. Mararamdaman din ang feels at hugot sa mga official soundtrack ng series na inawit ng iba’t ibang artists at banda.
Ang sountrack ng series ay ang mga awiting “Umibig Muli” ni Janine Teñoso at “Parang Kayo, Pero Hindi” ni Marion Aunor na unang handog ng Vivamax Original Series na mapapanood na ngayong Peb. 12 sa VIVAMAX.
Ang VIVAMAX ay pwede nang madownload sa Pilipinas sa Google Play Store.