Paul nagkaproblema sa pagtulog dahil sa lockdown; Lost Recipe nina Mikee at Kelvin hataw sa GNTV
KUNG may isang bagay na kinatatakutan ngayon ang Kapuso young actor na si Paul Salas, yan ay ang mawala siya sa mundo ng showbusiness.
Kaya ngayong 2021, isa sa mga nais niyang iwasan ay ang pag-iisip ng kanegahan. Ita-try daw niyang bawasan ang sobrang pag-iisip at mas mag-focus sa mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya.
“Siguro po iwasan o bawasan po ang pag-overthink ko. Minsan kasi, nag-o-overthink ako kung saan ba mapupunta ang career ko.
“Saan ba mapupunta ang passion ko sa pag-acting, na baka mawala ako sa industriyang ito. May fear po akong ganon e, na mawala po ako sa industriyang ito dahil nga ito nga ang mahal kong gawin, ang pag-acting,” paliwanag niya sa isang panayam.
Pagpapatuloy pa ng hunk actor, “New year’s resolution ko ngayon is bawasan ang pag-overthink and maging happy lang kumbaga maging focused at happy sa life. Ganon kasi minsan grabe ako mag-overthink e. May mga nights na hindi ako makatulog dahil sa pag-o-overthink ko.”
Paliwanag pa niya, “Noong 2020 kasi noong nagka-lockdown, noong nagka-pandemic, mas naging worst ‘yung pag-o-overthink ko. Nababawasan naman na po ngayon.”
Balak din ni Paul na makapagsimula ng negosyo this year na kay koneksyon sa sasakyan, “Last year ko pa sinasabi sa sarili ko ‘yun, ngayon kailangan ko nang i-push talaga.
“Mahilig po kasi ako sa mga setup ng sasakyan. So gusto ko na ring mag-start ng nagsi-sticker ng sasakyan, ‘yung paiba-ibang kulay and car wash siguro.
“Baka mag-start po ako nu’n this year kapag maluwag na ‘yung safety protocols. 2020 plano ko na ‘yan noong March. Kaso nagka-lockdown,” lahad ng binata.
Samantala, napapanood ngayon si Paul gabi-gabi bilang Frank Vergara sa seryeng “The Lost Recipe”, 8 p.m. sa GMA News TV.
In fairness, bukod sa laging top trending ang programa sa Twitter Philippines, ito na rin ang highest rating program ng GMA News TV ngayong 2021. Grateful naman ang mga bida ng serye sa mainit na pagtanggap ng publiko hindi lang sa kanilang bagong tambalan kundi mismong sa “The Lost Recipe.”
Say ng bidang si Mikee Quintos, nakaka-energize nga raw ang magagandang reaction na nababasa nila online.
“When I feel extra tired, doon ako magbabasa ng tweets, kasi nakakawala ng pagod reading reactions about the show,” sey ng aktres.
Dagdag naman ng leading man niyang si Kelvin Miranda, “Ginaganahan kami lalo kapag nakikita namin na talagang na-aappreciate ng mga manunuod ‘yung effort ng mga nagtatrabaho sa likod ng The Lost Recipe.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.