Willie bibigyan ng premyo ang gumawa ng 'paybtawsan' bill: Magpakilala ka! | Bandera

Willie bibigyan ng premyo ang gumawa ng ‘paybtawsan’ bill: Magpakilala ka!

Ervin Santiago - January 26, 2021 - 09:22 AM

BENTANG-BENTA sa netizens ang viral P5,000 commemorative bill meme kung saan nakalagay ang nakatawang litrato ni Willie Revillame.

Nag-viral ito sa social media matapos ilabas ng pamahalaan last Jan. 18 ang P5,000 commemorative bill na may imahe ng bayaning si Lapu-Lapu.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang paglabas ng nasabing commemorative banknote ay bahagi ng paggunita sa ika-500 anibersayo ng tinaguriang “Victory at Mactan” kung saan natalo ni Lapu-Lapu si Ferdinand Magellan at ang puwersa nitong nanakop sa Cebu sa isang historical battle na naganap noong April 27, 1521.

Ilang araw lang ang nakalipas, pinagpiyestahan na nga sa social media ang edited version nito kung saan ang mukha nga ng “Wowowin” host ang nakalagay sa pera.

Bukod kasi sa dialogue niyang “Bigyan ng jacket yan!” sikat na sikat na rin ngayon sa mga manonood ang pamimigay at pagsigaw ng TV host-comedian ng “paybtawsan” sa Kapuso show niyang “Wowowin”.

Kaya naman nang makita na ni Willie ang litrato ng P5,000 bill na may litrato niya ay natawa rin siya nang bonggang-bongga.

“Akala ko naman totoo! ‘Yan ba ‘yun? Ilagay n’yo, ‘Paybtawsan.’ Okay, nakakatawa. Kung sino man nag-isip niyan, magpakilala ka. Bibigyan kita, titriplehin ko ‘yan, P15,000 ka!” ang tawa nang tawang chika pa ng komedyante.

Samantala, marami na ang nag-aabang sa bonggang birthday celebration ni Willie bukas kung saan hindi lang P5,000 ang kanyang ipamimimigay.

Ngayong Miyerkules, 60 years old na ang TV host-comedian at bawat manonood na matawagan niya ay bibigyan niya ng P60,000. Bukod pa riyan ang “Pera o Kahon Text Promo” kung saan ang mabubunot sa electronic raffle ay magkakaroon ng chance na manalo ng P1 million at brand new house and lot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending