Kung may ‘bad image’ kayo kay Ellen, pakitapon n’yo na po dahil hindi siya ‘yan

MEANT to be na magsama sina John Estrada at Ellen Adarna sa bagong sitcom ng TV5 na “John En Ellen”.

Nu’ng nagpaplano pala ang aktor kasama ang kaibigang direktor na si Willie Cuevas at isa sa producer na si Bong Sta. Maria ay ang aktres ang kaagad na binanggit ng una na gusto niyang makasama sa show nila sa TV5 bilang blocktimer.

Sakto naman na si Ellen ay patungo ng Maynila para i-meet ang tatay ng anak niyang si Elias na si John Lloyd Cruz nang operan siya ni John.

Sabi nga ni Ellen, “Wala naman akong gagawin for a month, so why not tanggapin.”

Kaya nabuo ang “John En Ellen” sitcom, base rin sa kuwento ni John ay masarap katrabaho ang aktres. Sa zoom mediacon ng programa ay inamin ng aktor na fan siya ni Ellen at isa siya sa follower sa Instagram ng aktres.

“Iba ang character nitong babaeng ‘to. Definitely, we all know that she’s controversial and all that. But there’s more to her than that. She’s so bubbly, she’s a very good soul, you know, I’m glad kahit kelan man matapos itong John En Ellen, I’m just glad that I met this beautiful human being,” kuwento ni John.

Dagdag pa niya, “She brings great energy on the set, she’s a character. She speaks her mind, she’s honest and alam ninyo kung meron man kayong mga ‘bad image’ of Ellen Adarna, pakitapon n’yo na po ‘yan dahil hindi siya ‘yan.”

At dahil sa Cebu na naka-base si Ellen kasama ang anak na si Elias ay naisip ni John na naka hindi tanggapin ang offer niya.

“We really thought na hindi papayag si Ellen kasi nga, ang balita namin, ayaw na niyang mag-artista kasi nga ‘yung priority niya, ‘yung anak niya, si Elias.

“But thank God, pumayag siya, just because, alam niya nga na ang proyektong ito ay para talaga sa kanya at saka napaka-light, masaya lang,” pahayag pa ni John.

Inamin ni Ellen na hindi full time ang pagbabalik niya sa showbiz dahil nga priority niya ang anak at dahil nasa pangangalaga ngayon ni John Lloyd ang anak kaya tinanggap niya ang sitcom.

At dahil biglang na-link si Derek Ramsay kay Ellen dahil napapadalas yatang pumunta ang huli sa bahay ng hunk actor ay natanong kung puwedeng mag-guest ang una sa sitcom nila.

“Of course! Yeah, definitely. Kailangan lang magpa-swabbing siya. Definitely, we’re thinking about it, hindi pa lang namin alam kung kelan, but of course. Baka nga siya ang unahin naming i-guest sa John En Ellen.”

Samantala, natanong si John kung hindi ba siya alanganin na baka hindi niya mabawi ang puhunan bilang isa sa producer dahil mahina ang signal ng TV5 at ito rin ang dahilan kung bakit three months lang umabot ang “Sunday Noontime Live” nina Piolo Pascual at Maja Salvador na idinirek ni Johnny Manahan.

Confident si John pero alam niyang may pressure na mag-hit ang sitcom pero naniniwala siyang maganda ang chemistry nila ni Ellen bilang mag-asawang John at Ellen Kulantong na ikatutuwa raw ng viewers.

Sa Linggo na, 7 p.m, ang pilot episode ng “John en Ellen” na mapapanood sa TV5. Kasama rin sa show sina Angelina Cruz, Yogo Singh, Ronaldo Valdez at Long Mejia, mula sa direksyon ni Willie Cuevas.

Read more...